IN FAIRNESS, pinatunayan ng Kapamilya character actor na si Ketchup Eusebio na marami pa siyang pwedeng gawin at i-offer sa manonood bilang artista.
Talagang nagmarka sa manonood ang karakter ni Ketchup sa hit drama series ng ABS-CBN na “The Broken Marriage Vow” na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.
Dalawang dekada na sa showbiz ang aktor na unang napanood sa teen-oriented series ng ABS-CBN noong 2002, ang “Berks” kung saan nakasama niya sina John Prats, Heart Evangelista, Angelica Panganiban at Carlo Aquino.
At dahil nga sa challenging role niya sa Pinoy version ng “Doctor Foster” (British) at “The World Of The Married” (Korean), ang “The Broken Marriage Vow”, komento ng viewers, marami pa siyang pwedeng ihain sa manonood bilang versatile actor.
“Mula nu’ng umpisa, I already consulted with sina direk Connie (Macatuno) and direk Andoy (Ranay). Kasi hindi ko napanuod talaga yung mga original versions.
“So tinanong ko kung paano ba puwede i-localize yung character ni Charlie. Since yung kultura natin sa Pilipinas sa pagkakaintindi ko sa mga napanuod ko dati, yun kasing usual na relationship ng mag-asawa sa atin,” pahayag ni Ketchup sa finale presscon ng serye kamakailan.
Ani Ketchup, may conscious effort na ibahin niya ang atake sa mga unang gumanap sa role niya bilang kaibigan ng mga karakter nina Jodi at Zanjoe.
“Sa Korean kasi talagang nakikita ko submissive talaga yung mga babae sa kanilang mga asawa. So para maging justified itong pagloloko ni Charlie, tinatanong ko palagi si direk, ‘Direk hindi dapat bossy si Charlie sa asawa niya.
“Baka puwede kong gawing malambing at palabiro, para maging yung usual na chickboy na playboy dito sa atin sa Pilipinas.’ Very glad naman ako na na-approve nila yung mga ginagawa. So yun yung mga preparations para kay Charlie,” lahad ng aktor.
Pero ang talagang kino-consider ni Ketchup na most memorable scenes niya sa serye ay ang one-night stand scene nila ni Jodi bilang si Dra. Jill.
“Natatawa kami actually habang ginagawa, talagang sineryoso ko yun. Nagso-solo kami ng room pagkatapos ng eksena nagkakatinginan kami.
“Napapaganu’n na lang kami. Very thankful ako kasi first time ko yung ganu’ng eksena at maraming salamat na si Jodi yung kasama ko kasi alam kong hindi kami mag-iinarte habang ginagawa namin.
“Ang pro ng atake at ng pagkaka-execute ni direk Connie (Macatuno) at direk Andoy (Ranay),” sey ni Ketchup na sa tunay na buhay ay kumpare ni Jodi.
Sa tanong kung ano ang natutunan niya sa serye na malapit na ngang magtapos, “Ang dami kong gustong matutunan at natutunan ko dito nung ginagawa namin itong show.
“Hindi talaga nagtatagumpay yung ganu’ng klaseng mga relasyon. Wala, hindi mo talaga mabibigyan ng justice yung infidelity pagdating sa pamilya. So magiging baon ko yun lalo na’t bumbuo ako ng sarili kong pamilya. Lesson yun para kay Charlie.
“Thankful ako kay Charlie kasi naipakita niya sa akin yung end result ng kung ano talaga yung ano ang mangyayari pag naging abusado ka sa isang napakabuting asawa. Martir na nga yung asawa niya si Carol, eh.
“So yun yung mga gusto kong makita na hindi successful yung mga plano na mga sideline. Maraming salamat kay Charlie para sa mga pagkakataon na yun,” paliwanag pa ni Ketchup.
Tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng “The Broken Marriage Vow” sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, and TV5.
https://bandera.inquirer.net/305638/marco-ipinatikim-kina-julia-at-xian-ang-favorite-na-sinigang-with-ketchup-nawirduhan-sila
https://bandera.inquirer.net/313670/tiktok-star-jules-eusebio-pumanaw-dahil-sa-severe-typhoid-fever
https://bandera.inquirer.net/309444/charlie-dizon-laging-bigay-todo-sa-aktingan-ayokong-may-pagsisihan-ako-sa-mga-projects-na-ginawa-ko