Ivana Alawi sa magiging dyowa: Mas gusto ko yung mahal na mahal ako kesa mahal na mahal ko siya

Ivana Aalawi, Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake

“LAHAT naman sila hot! May kanya-kanya silang qualities ng pagiging hot!” Yan ang paglalarawan ng sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi sa apat na leading man niya sa seryeng “A Family Affair.”

Ayon sa dalaga, napakaswerte niya dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho sa isang napakagandang proyekto sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake.

Excited na raw siyang mapanood ng madlang pipol ang pinaghirapan nilang teleserye kung saan ibinigay daw talaga niya ang lahat-lahat para makasabay sa husay ng apat na kasama niya sa programa.

Ano nga ba ang biggest challenge kay Ivana nang magsimula na ang lock-in taping nila para sa serye? “Yung main challenge namin talaga is siguro mag-focus. Ha-hahaha!  Kasi pag nagsama sama kami puro lang kami biruan. Kaya kapag nasa set minsan hindi kami maka-focus kasi lahat kami nagpapatawa.

“Aside from that, I’m really enjoying kasi nga everyone is very, very nice. Iba iba sila ng personality. Si Jameson very baby boy. Yun nga tawag ko sa kanya, ‘Baby boy halika nga dito!’ kasi parang baby talaga siya. He’s very young and innocent.

“Si Jake naman siya yung best friend ko so he’s more of funny. Alam mo yung pag nagsasama kami puro kalokohan lang ang nangyayari. Puro biruan, ganyan. Kasi ano siya, easygoing, madaling kausap, at saka hindi ako natatakot biruin. Ha-hahaha! Si Jake at si Jameson very mabait. Parang mga kapatid, ganun sila,” chika ni Ivana.

Hindi rin daw siya nahirapang kumonek sa apat na leading man niya sa “A Family Affair.”

“Napakadali kasi parang ang natural nga, eh. Hindi ko alam. Para kasing hindi namin pinipilit na kailangan mukhang in love. I think kaya natural kasi hindi talaga pinipilit which is very important.

“Especially with how welcoming and gaano sila kaalaga sa co-star nila, I think it’s not that hard for anyone. Lahat naman sila hot di ba? Lahat naman sila may kanya kanyang hotness,” sey pa ni Ivana.


Sino naman sa mga co-star niya ang naging pinaka-close sa kanya habang nasa lock-in taping sila sa Masbate?

“Parang lahat kami, hindi lang talaga isang tao. Kasi pag nag-te-taping kami grupo talaga kami and lagi kaming magkasama. So lahat kami kahit sa group chat talaga, lahat sila ka-close ko talaga equally. Wala akong pinaka-close na iisa lang. Lahat talaga sila kasi family talaga kami,” sabi ng sexy vlogger.

Sino sa mga karakter nina Gerald, Sam, Jake at Jameson sa teleserye ang posibleng i-date niya sa totoong buhay?

“Feeling ko si Paco (Gerald) kasi feeling ko mahal na mahal niya si Cherry (Ivana). Mas gusto ko yung mahal na mahal ako kaysa mahal na mahal ko siya. Kasi mabilis naman ako magmahal. Kaya ko naman siya sabayan,” sagot ni Ivana.

https://bandera.inquirer.net/281444/ivana-walang-kalandiang-dyowa-hindi-ako-naghahanap-hindi-rin-ako-nagmamadali

https://bandera.inquirer.net/296384/ivana-never-naging-dyowa-si-marco-binigyan-ng-pag-asa-si-joshua-sakaling-manligaw

https://bandera.inquirer.net/294083/ivana-emosyonal-na-binalikan-ang-alaala-ng-ama-wag-nyo-hintaying-mawala-yung-tao

Read more...