Sharlene tinupad ang pangako sa magulang: Ipu-push ko talaga ang pag-aaral, hindi pang-forever ang showbiz

Sharlene San Pedro

TINUPAD ng Kapamilya young actress at dating child star na si Sharlene San Pedro ang pangako niya sa sarili at sa kanyang mga magulang — ang maka-graduate sa college.

In fairness, talagang pinatunayan ni Sharlene na pwedeng-pwedeng pagsabayin ang showbiz career at pag-aaral kung gugustuhin at paglalaanan ng oras.

Nagsimulang mag-artista ang dalaga noong 4 years old pa lamang siya pero hinding-hindi niya kinalimutan ang palaging ipinapayo sa kanya ng mga magulang — “showbiz is not forever” kaya kailangang tapusin din niya ang kanyang pag-aaral.

Kaya naman sa edad na 23, bukod sa pagiging aktres, recording artist at mobile game streamer, isa na rin siyang psychology degree holder matapos gumradweyt sa online education program ng AMA University.


“Noon pa man, promise ko na talaga sa parents ko, kahit maging busy sa work, ipu-push ko talaga ‘yung pag-aaral, kasi alam ko na ‘yung showbiz hindi talaga forever,” ang pahayag ni Sharlene sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya pa, “Ayoko ‘yung wala akong work, wala ako sa showbiz, na hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko ng ganu’n.

“Kunwari, sabihin nating walang trabaho, dapat may ginagawa ako. Hindi ko gusto kapag nararamdaman kong nakahiga ako lagi, wala akong ginagawa,” lahad ni Sharlene.

Nagpapasalamat din ang dalaga sa kanyang pamilya dahil talagang sinuportahan siya nang bonggang-bongga sa kanyang career at pag-aaral pati na rin sa kanyang fans na mula noon hanggang ngayon ay nagmamahal at nagtitiwala pa rin sa kanya.

“Sinabi ko rin talaga na, kailangan, aside sa show business, may backup plan ka. Dapat nakapag-aral ka, nakapagtapos ka ng pag-aaral, para kahit paano masabi mo, ‘O, kapag walang showbiz, puwede na akong magtrabaho,’” pahayag ni Sharlene.

Sa isang hiwalay na interview, nabanggit ni Sharlene na gusto naman niyang magtrabaho sa likod ng camera kapag nabigyan ng pagkakataon.

“Nakikita ko five years from now dahil medyo matagal na rin ako sa industry, siguro behind-the-scenes, mas parang masaya.

“Kasi marami na rin naman akong naka-work na directors, actors and actresses na kumbaga mai-share mo man lang doon sa mga bagong generation na up and coming artists na papasok,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/310530/sharlene-binarag-si-xian-gaza-dahil-sa-fake-news-wala-kasing-nagkakagusto-sa-yo-kaya-puro-chismis-kinakalat-mo

https://bandera.inquirer.net/297388/janno-first-time-nakatrabaho-sina-bing-at-manilyn-sa-isang-project-ito-na-ang-last-time-siguro
https://bandera.inquirer.net/308149/birthday-wish-ni-bianca-gonzalez-tinupad-ni-jc-intal

Read more...