Pagkawala ni Direk Bert de Leon ramdam na ramdam sa taping ng ‘Pepito Manaloto’; Chariz Solomon napaiyak sa pa-throwback

Chariz Solomon, Michael V at Bert de Leon

FEEL na feel ng buong cast at production ng Kapuso comedy show na “Pepito Manaloto” ang pagkawala ng veteran director na si Bert de Leon nang sumabak na uli sila sa taping kamakailan.

Nitong nagdaang Sabado muling napanood ang pagbabalik ng original cast ng “Pepito Manaloto” sa pangunguna nina Michael V at Manilyn Reynes pagkatapos ngang umere ang prequel ng programa.

Sa “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” na pinagbidahan nina Mikee Quintos at Sef Cadayona, ipinalabas ang kabataan nina Pepito at Elsa at binalikan kung paano nagsimula ang kanilang love story.

At nito ngang nakaraang Sabado, nagsimula na ang “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento” kung saan nagbabalik na nga ang original cast at magpapatuloy na nga ang kasalukuyang kuwento ng pamilya Manaloto.

Bukod kina Mane at Bitoy nagbabalik din sina Jake Vargas, Angel Satsumi, John Feir, Ronnie Henares, Arthur Solinap, Mosang, Janna Dominguez, Jen Rosendahl at Chariz Solomon.

Si Bitoy na rin ang nagdidirek ng “Pepito Manaloto” dahil nga pumanaw na ang long-time director nitong si Bert de Leon. Namaaalam ang beteranong direktor noong November, 2021 sa edad na 74.

Sa naganap na virtual mediacon ng programa noong June 7, natanong ang ilang members ng cast kung ano ang naramdaman nila noong unang araw ng kanilang taping na wala si Direk Bert.

Unang sumagot ang veteran actor- director na si Ronnie Henares, “Bitoy was sitting, where he normally sits. And it was obvious na he was not there and of course we all felt it.

“And we still feel it. We feel his absence, we feel that we miss him a lot, but at the same time. I’m sure, he would want us to go on,” aniya pa.

Kuwento naman ni Manilyn, “Alam na alam mo kulang, like they said. Kasi nga kung saan nakaupo si Bitoy nu’ng first-time na nagread uli kami ng script, doon talaga si Direk Bert. Pero, ‘yun nga ‘yung sinasabi na naramdaman namin ‘yung absence, sabi ni Tito Ronnie, pero naramdaman din namin ‘yung presence, ‘di ba.”

“Kasi alam natin na nandoon siya. Nakaka-miss, pero alam namin masaya rin siya na nanonood at nakikita tayo ganito,” dagdag ng singer-actress.


Hindi naman napigilan ni Chariz Solomon ang mapaluha habang inaalala si Direk Bert, “Naalala ko lang nu’ng kasama ko din siya sa Bubble, tapos he was more than…parang ano ko siya tatay-tatayan ko na talaga, e. And pamilya kasi kami talaga, e.

“Si Direk Bert kasi, mahilig kasi ako magluto. Tapos mero’n siyang mga food na gusto ‘yun nga ‘yung salad, ‘yung salmon na baked. Tsaka ‘yung cookies na bini-bake ko sa kanya for a time.”

“So, naalala ko ‘yung last na nag-dinner kami ni Kuya Bitoy ‘yung…” ani Chariz na tuluyan nang napaiyak. “Masaya naman ako na bumalik na kami together. ‘Yun nga lang hindi pa siguro okay masyado.

“‘Yung pagka-kumakain kasi kami lagi kami natitira nila Direk Bert, nagku-kuwentuhan pa kami, naalala ko naa-award kami minsan.

“Kasi, nagkukuwentuhan pa kami ni Direk Bert. Miss na miss namin siya siyempre,” aniya pa.

Napapanood pa rin ang “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento” tuwing Sabado after 24 Oras Weekend.

https://bandera.inquirer.net/294592/bitoy-manilyn-nanawagan-ng-tulong-para-kay-direk-bert-na-tinamaan-din-ng-covid-19

https://bandera.inquirer.net/298558/ang-nakuha-ko-talaga-sa-bubble-gang-mas-marami-pang-pera
https://bandera.inquirer.net/315750/bitoy-sa-pagbabalik-ng-original-cast-sa-book-3-ng-pepito-manaloto-kumbaga-sa-dining-i-wet-mo-uli-ang-appetite-nila-para-hindi-magsawa

Read more...