NA-IMAGINE n’yo ba ang pagsasama-sama ng apat na sang’gre ng action-fantasy series na “Encantadia” sa isang Girls Love (GL) o lesbian project?
Game na game ang dalawang Kapuso actress na sina Gabbi Garcia at Kylie Padilla na sumabak sa isang GL series o movie kasama ang mga kapwa nila sang’gre na sina Glaiza de Castro at Sanya Lopez.
Sa panayam kina Gabbi at Kylie para sa promo ng kani-kanilang show sa GMA 7, ang “Love You Stranger” at “Bolera”, na-excite sila sa possibility ng isang kakaibang reunion project para sa kanilang apat na “Encantadia” stars.
Ayon kay Gabbi, “Uy dream role ko talaga ‘yan. Parang exciting and challenging kapag natuloy yan.”
“Masaya siya!” sey naman ni Kylie na bumida na sa isang GL series kasama si Andrea Torres, ang “BetCin.”
“Nakita ko nga ‘yung sa ‘yo. Dream role ko ‘yan, kasi sa all-girls school ako galing. Hello?!” chika uli ni Gabbi.
“Yes game na game kami diyan!” sey naman ni Kylie nang tanungin kung payag siya uli na gumawa ng proyektong may tema ng LGBTQIA+.
Hirit pa ni Gabbi, payag na payag siya kahit kasama pa ang mga kapwa niya sang’gre, “Gusto mo kaming apat pa eh, nag-aagawan kami! Ganyan. Ha-hahaha!”
“Ang saya nu’n. Lahat tayo ‘no?'” tugon ni Kylie.
“Oo ang saya nu’n, sobrang saya nu’n!” chika pa ni Gabbi.
Samantala, laging trending ang mga episode ng “Love You Stranger” ng GMA Public Affairs sa social media bukod pa sa napakataas na nakukuha nitong rating gabi-gabi sa Telebabad block ng GMA.
Base sa survey ng Nielsen Philippines’ National Urban TV audience measurement overnight ratings data, nitong nagdaang June 6, nakapagtala ang serye nina Gabbi at Khalil Ramos ng 6.5 percent people rating.
Ayon sa mga netizens, para raw silang nanonood ng pelikula dahil sa “world-class” treatment na ibinigay sa mystery-romance miniseries ng GabLil.
Sa Twitter, naging isa sa top trending topic ang pilot episode ng serye gamit ang official hashtag na #LYSworldpremiere.
Komento ni @CtrlWil, “Ganda ng cinematography ng Love You, Stranger. Ganda rin ng pilot. Kudos to @GMA_PA! I have a feeling I’ll get hooked. #LYSWorldPremiere.”
Sabi naman ni @EmartianTh, “Huyy ang ganda ng color grading for Love You Stranger! Akala ko nanonood ako ng movie #LYSWorldPremiere.”
Tweet ni @GENSDigital_, “Ang ganda ng LOVE YOU STRANGER! Interesting ang kwento. Nakakakaba, na nakakakilig, then may comedy. Halo-halo! Ang perfect ng cinematography and color grading, and okay din ang scoring! Congratulations, @GMA_PA! Quality talaga gumawa ang GMA Public Affairs! #LYSWorldPremiere.”
“The pilot episode really left me curious and asking for more. Congrats po Ms @gabbi and @TheKhalilramos !! I’ll surely watch out for the upcoming episodes. Kudos also to the whole team!!! #LYSWorldPremiere,” comment ni @assyyoooow.
Kasama rin sa “Love You Stranger” sina Gil Cuerva, Carmi Martin, Tonton Gutierrez, Lexi Gonzales, Kim De Leon, Maey Bautista, Angelli Sanoy, Alex Medina, Nor Domingo, Ces Quesada, Lui Manansala, Bodjie Pascua, Soliman Cruz at Dindo Arroyo.
Napapanood ito Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
https://bandera.inquirer.net/309326/gabbi-khalil-ipinakonsulta-sa-psychiatrist-bago-gawin-ang-love-you-stranger-ng-gma-bakit-kaya
https://bandera.inquirer.net/314885/pagsusuot-ng-sexy-ootd-ni-gabbi-aprub-kay-khalil-hati-sa-pagbabayad-ng-bill-kapag-nagde-date
https://bandera.inquirer.net/315243/janine-gutierrez-nag-audition-noon-sa-encantadia-ng-gma-pumasa-bilang-amihan-pero