Max Collins, Pancho Magno dedma pa rin sa isyu ng hiwalayan; AQ Prime Stream mahigit 100 katao ang nabigyan ng trabaho

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno tungkol sa tunay na estado ng kanilang married life.

Palaisipan pa rin para sa mga kaibigan at supporters ng mag-asawa kung totoong matagal na silang hiwalay tulad ng kumakalat na balita sa apat na sulok ng showbiz.

Ito’y matapos ngang mabanggit ni Kylie Padilla sa isang panayam na pareho na raw sila ng kaibigan niyang si Max na nagpakasal, nagkaanak at nakipaghiwalay sa kanilang mga asawa.

Actually, last year pa lumabas ang chika na nagkakalabuan na umano sina Max at Pancho dahil sa ilang personal na kadahilanan but until now ay wala pa ring inilalabas na official statement ang Kapuso couple tungkol sa rumored breakup.

At lantaran na nga itong napag-uusapan ngayon ng mga “Marites” dahil nga sa tila pagkumpirma ni Kylie about it. Hindi pa rin nag-iisyu ng kanyang statement ang estranged wife ni Aljur Abrenica para linawin ang kanyang pahayag.


Samantala, kamakailan lamang ay nakapanayam pa ng ilang entertainment writers si Max sa grand launch ng bagong streaming app sa bansa, ang AQ Prime Stream last June 4 na ginanap sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Dito, ibinalita niyang sasabak na rin siya sa isang action movie ng AQ Prime Stream kung saan gaganap siya bilang isang madre na assassin.

“Aksyon na aksyon ito, tuma-tumbling, bumabaril, lahat! Kaya ngayon pa lang, nagte-training na ako. Fight training, gymnastics, ahhm, shooting, firing, ayan.

“Nag-start akong mag-fight training last month pa. Pero ngayon, mas intense na. Araw-araw ko na siyang ginagawa,” aniya pa 

Bukod sa movie ni Max, ang iba pang pelikula na nakatakdang mapanood sa AQ Prime ay ang mga sumusunod: “Nelia”, “Pula Ang Kulay Ng Gabi,” “Anatomiya,” “Huling Lamay”, “Ligaw”, “Abandoned”, “Z Love,” “Losers-1”, “Suckers Zero”, at “Peyri Teyl.”

Meron din silang mga pelikula para sa mature audience under Director’s Cut by AQ — nandiyan ang “Adonis X,” “Upuan,” “Bingwit,” “Mang Kanor,” “Cuatro,” “Amazona,” “Sosyal Medya,” “Baka Sakali”, at “La Traidora.”

Ilan pa sa mga celebrities na dumating sa grand launch na may mga ipalalabas na movie sa AQ Prime Stream ay sina Raymond Bagatsing, Rez Cortez, Mon Confiado, Buboy Villar, Ricardo Cepeda, Juan Carlos Galano, Soliman Cruz, Krista Miller, Choi Moo-sung na bumida sa hit Korean drama na “Reply 1988” at South Korean beauty queens na sina Mina Sue Choi at Do Hee Jung.

Present din ang mga direktor na sina Joel Lamangan, Louie Ignacio, Neal “Buboy” Joven Tan, Alejandro “Bong” Ramos, Afi Africa, Rosswil Hilario at Sergio “Boy” Pilapil.

Ayon kay AQ Prime Stream CEO Atty. Aldwin Alegre mahigit 100 katao na ang nabigyan nila ng trabaho dahil sa mga ipinrodyus nilang pelikula.

https://bandera.inquirer.net/287952/max-collins-nag-explain-kung-bakit-magkahiwalay-sila-ni-pancho-magno-sa-2-b-day-party-ng-anak

https://bandera.inquirer.net/315255/kylie-padilla-na-spluk-na-hiwalay-na-si-max-collins-sa-asawa

https://bandera.inquirer.net/287668/lovi-wala-pang-desisyon-kung-iiwan-ang-gma-para-lumipat-sa-abs-cbn

Read more...