PARANG eksena sa teleserye at pelikula ang naganap na confrontation scene sa pagitan ni Janice de Belen at ng naging kabit ng dati niyang asawa.
Naikuwento ng aktres kamakailan ang paghaharap ng “other woman” ng kanyang ex-husband sa isang episode ng “Wala Pa Kaming Title Podcast”.
Kasama ang kapatid na si Gelli de Belen at mga kaibigang sina Candy Pangilinan at Carmina Villarroel, napag-usapan nila ang topic about infidelity at pangangaliwa ng mga asawa.
Sa nasabing podcast, naibahagi ni Janice ang pagkakaroon ng affair ng dati niyang asawa sa ibang babae. Hindi pinangalanan ng aktres ang guy pero knows naman ng publiko na naging asawa niya ang aktor na si John Estrada.
Naganap ang wedding ng ex-celebrity couple noong 1992 at napawalang-bisa naman ang kanilang kasal nila noong 2004 at biniyayaan sila ng apat na anak.
Ayon kay Janice, nakaharap niya ang naging kabit ng dati niyang mister at mismong sa kampo ng nasabing babae nanggaling ang imbitasyon na magkita sila.
“Because she’s involved in a big management company, the head of the management company called me, and asked me kung puwede kaming mag-usap, kasi magso-sorry daw sa akin.
“O, e, kayo naman ang may gusto, e. Pero ang gusto ko nandiyan kayo sa kuwarto. Para kapag sinabi niya sa inyong sinampal ko siya, sinampal ko talaga siya, di ba?'” pahayag ng award-winning actress.
Tanong ng mga kaibigan ni Janice, “sinampal mo ba yung babae?” Tugon ng aktres, “Hindi, kasi I’m bigger than that. Sayang yung effort ko na iyon.”
Ang unang nasabi raw ng kerida ng ex-husband niya ay, “’I’m sorry, I did not know.’ Sabi ko, ‘You did not know what? You did now know he’s married? You did not know artista yung asawa niya? O you did not know anything?’”
“Sabi ko, ‘Wala ka bang nanay, lola, kapatid, best friend na sinasabi sa iyo, ang lalaki sasabihin sa iyo kahit na ano just to get in your pants? Wala bang nagsabi nu’n sa iyo?’” patuloy pang pagbabalik-tanaw ng aktres.
“E, siyempre, nag-monologue na ako. ‘Pasalamat ka, ako yung asawa. Dahil kung hindi, puwedeng, one, patay ka na.’ O, di ba? E, di siya tagarito, e. Working visa lang siya dito.
“’Two, deported ka na. Or three, wala ka nang trabaho.’ Kasi puwede mo siyang hiyain to a point na mapi-pressure, na mawawalan ng trabaho, tanggalin siya sa trabaho.
“But I chose to not do. Sabi ko, ‘So, masuwerte ka pa….’ Tapos sabi niya, ‘It’s not going to happen.’ Sabi ko sa kanya, ‘Alin, magbi-break na kayo?’ Ang sabi ko, ‘Tapos na kayo?’” hirit ni Janice na parang eksena talaga sa mga kabit-serye.
Wala na raw nasabi ang girl pagkatapos niyang mag-monologue kaya naman tinapos na niya agad ang usapan.
“Tinapos ko na kasi there’s no point in…papahabain ko meeting? So, pagtayo ko, siyempre, nandoon siya sa may pintuan palabas.
“Naramdaman ko nanginginig siya. Nakita ko nanginginig siya. In fairness to her, nanginginig siya sa takot. Sabi ko sa kanya, ‘O, relax. Kung gusto kitang saktan, kanina pa kita sinipa.’ Tapos I left,” ang one-liner pang dialogue ni Janice.
At sa tanong ng mga kasamahan niya sa podcast kung kailan niya napagtanto na dapat na niyang iwan ang kanyang asawa, “It’s the loss of respect.”
Mensahe pa ni Janice, “We can talk a million things. You can say, ‘Naku, pag nakita ko ’yan, tatakdyakan ko ’yan, sasampalin ko ’yan. But when you’re there in the situation, you will not know exactly what to do. You will not know.”
https://bandera.inquirer.net/314027/janice-ayaw-nang-makatrabaho-si-john-pero-payag-kay-aga-magkaiba-kasi-yung-status-ng-relationship
https://bandera.inquirer.net/304718/janice-de-belen-insecure-noon-sa-katawan-pero-ngayon-so-what-this-is-me-ayaw-nyo-di-wag-nyo
https://bandera.inquirer.net/308509/carmina-gelli-janice-candy-solid-na-solid-pa-rin-ang-friendship-lahat-talaga-kami-super-daldal