Joel Lamangan never pang naranasang maging biktima ng pang-aabuso; nagpaliwanag sa ibig sabihin ng ‘Biyak’

Angelica Cervantes, Quinn Carillo at Joel Lamangan

NAGPALIWANAG ang award-winning director na si Joel Lamangan tungkol sa kontrobersyal na titulo ng bago niyang pelikula sa Vivamax, ang “Biyak.”

Siyempre, kapag first time mong nabasa ang titulo, ang unang maiisip mo ay ang malaswa nitong pakahulugan. Pero nilinaw nga ito ni Direk Joel.

“Ang ibig sabihin ng biyak, cut. Ano ang cut niya sa nangyaring project. Cut, komisyon ang ibig sabihin ng title. Hindi yung malaswang biyak. Hindi,” pahayag ng veteran filmmaker sa virtual mediacon ng “Biyak”.

Ang “Biyak” ay pinagbibidahan ng baguhang sexy star na si Angelica Cervantes kasama sina Quinn Carillo ng all-female group na BellaDonnas, Vince Larena at Albie Casino.

Kuwento pa ni Direk Joel about his new movie, “Si Quinn ay nagtatrabaho bilang asset ng pulis. Kapag may mga project, humihingi siya ng cut o percentage sa nangyari.

“Kung meron halimbawang nakuha na drugs na ibebenta uli, meron siyang cut. Percentage o komisyon,” ang paglilinaw pa ng direktor sa paggamit nila ng salitang biyak bilang titulo ng pelikula.

Sey pa ng premyadong direktor, bukod sa exciting na kuwento ng “Biyak” gusto rin niyang makatrabaho ang sexy newcomer na si Angelica Cervantes.

“Maganda kasi ang istorya. It’s about pang-aabuso ng isang stepfather na very common now ang nag-inspire sa akin at yung mga baguhan na gaya nina Angelica, Vance at Quinn.

“Excited din ako na makasama uli si Albie that’s why I wanted to do it,” ani Direk Joel.
And speaking of pang-aabuso, natanong din si Direk Joel kung naranasan na ba niyang maging biktima ng kahit anong uri ng abuse.

“Ako? Biktima ng pang-aabuso? Ako? Hindi! Hindi ko naranasan. Walang naglalakas-loob na abusuhin ako kasi sa umpisa pa lang, siyempre, papalag na ako.

“Wala namang mang-aabuso sa akin dahil ayokong abusuhin ako dahil hindi rin naman ako nang-aabuso. Wala pa akong naranasan na ganoon,” mariing tugon ni Direk Joel.

Samantala, alamin kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pamilya? Sa paaralan, tinuturo sa mga kabataan na ito ang basic unit of society.

Dito unang natututunan ng isang bata ang prinsipyo at paniniwala sa buhay, nalalaman kung ano ang tama sa mali, dito nabubuo ang ating pagkatao.

Dito nakakahugot ng lakas ang bawat tao at hindi nakararamdam ng pag-iisa. Sa pamilya, lagi tayong ligtas at may kasama.

Pero mapaglaro ang tadhana sa magkapatid na Violet at Samantha (Quinn at Angelica), dahil sa pamilya kung saan payapa at komportable ang iba, gulo at pananamantala ang nararanasan nila.

Alamin ang kanilang kwento sa isa na namang kakaiba at makabuluhang Vivamax original movie, ang “Biyak” na mapapanood na simul sa July 1, 2022.

https://bandera.inquirer.net/309921/joel-lamangan-nagpakatotoo-maraming-direktor-na-bago-pa-lang-ay-mayayabang-na-huwag-ganyan

https://bandera.inquirer.net/315526/albie-casino-hindi-itinututing-na-kapansanan-ang-adhd-proud-na-proud-sa-biyak
https://bandera.inquirer.net/288122/pauleen-nagpaliwanag-kung-bakit-walang-face-mask-si-tali-sa-kanilang-field-day-photo

Read more...