AMY PEREZ nag-resign sa TV5, babalik sa ABS o Kapuso na?


Nagdesisyon na si Amy Perez na umalis sa TV5, ito’y ginawa niya sa gitna ng mga issue na kinasasangkutan niya at ng staff ng dati niyang show na Face To Face.

Balitang hindi na kasundo ng TV host ang mga taong nasa likod ng nasabing show kaya ayaw na niya itong makatrabaho.
Ayon pa sa ulat, magkakasama sana sila ni Gelli de Belen sa bagong talkshow ng Kapatid network na papalit sa Face To Face pero nang malaman daw ni Amy na ang dati rin niyang staff sa natsuging programa niya ang makakatrabaho niya, mas pinili na lang niya ang mag-resign.

Ang balita lilipat na siya ng network, hindi lang kami sure kung saan siya may offer, kaya wait na lang tayo kung magiging Kapamilya ba siya uli o Kapuso na? Anyway, narito ang official statement ng TV5 sa pag-alis ni Amy.

“TV5 Management and Ms. Amy Perez have mutually agreed to part ways. TV5 respects the decision of Ms. Perez to leave the Network due to personal reasons.

( Photo credit to Google )

She had been a valuable talent of TV5. We wish her well and the best of luck in all her endeavors.”

Read more...