Tinawanan na lang ni Carl Guevera ang denial sa kaniya ni Kris Bernal. Tonight ang pilot ng pinakabagong pagsasama ng Royal Couple of Drama na sina Aljur Abrenica and Kris na Prinsesa Ng Buhay Ko.
Scheduled before 24 Oras, they have a new triangle for the show, si Renz Fernandez. Oo nga pala, just a trivia dahil this Monday column of ours is full of trivias, sina Aljur at Kris din ang nagbukas ng early primetime schedule with their All My Life and after its success, pati ang kabilang network, naglagay na rin ng soap before their newscast. Philippine TV’s first all-HD setup is directed by Dondon Santos.
Now, while busy sa kaka-promote sina Kris and Aljur everywhere before the show pilots tonight, nakita naman namin sa party ng aming colleagues na sina Dondon Sermino and Jun Nardo si Carl along with the other PPL artists like LJ Reyes na part din ng show at kinantiwayan namin ito na dinenay siya ni Kris na matagal na silang steady.
Si Carl noon ang umamin sa amin na sila na nga ni Kris during his afternoon soap set visit and this was even before nag Europe si Kris so that was almost a year ago.
Dumating na si Kris, sinimulan na ang Prinsesa ng Buhay Ko, nag-birthday ang girl, dinala ni Carl ang dalaga pati ang isa nitong kapatid sa Singapore, at ngayong nagpu-promote na ulit si Kris with Aljur, friends pa lang daw talaga sila.
Ganyan ka-understanding si Carl for Kris and partner para hindi ma-distract ang fans sa kanila, okay lang na ma-dedma ulit muna.
Samantalang si Kylie Padilla, very open sa relasyon nila ni Aljur ha pero si Kris, takot mapag-usapan ang sa kanila ni Carl.
( Photo credit to Google )