Ex-boyfriend ng sikat na aktres nanghihinayang sa paghihiwalay nila kahit masaya na sa piling ng co-star?

Ex-boyfriend ng sikat na aktres nanghihinayang sa paghihiwalay nila kahit masaya na sa piling ng kanyang co-star?
MAY panghihinayang na naramdaman ang ex-boyfriend ng sikat na aktres na ngayon ay masaya sa piling ng co-star niya sa isang reality show.

Palibhasa medyo bata pa noon ang dating boyfriend ng sikat na aktres na isa ring sikat na aktor kaya pagkalipas nang dalawang taon ay naghiwalay na rin.

Nang mga panahong iyon ay gigil na gigil si ex-boyfriend sa kanyang ex-girlfriend bagay na tinatanggihan ng huli kasi nga gusto pa nitong matupad ang mga pangarap niya bilang artista at higit sa lahat, siya ‘yung tipo na kasal muna bago ang lahat-lahat.

Lumaking konserbatibo rin kasi ang sikat na aktres kasama ang magulang niya kaya ganu’n pinakakaingatan nito ang sarili.

Hindi nakatiis ang ex-boyfriend at nahuling may ibang ka-fling ito ng sikat na aktres kaya ang ending naghiwalay sila.

Sobrang nasaktan noon ang sikat na aktres at nangakong dedma na siya sa boys at mas lalong pinagbuti ang showbiz career na hindi naman nabigo.

Hanggang sa unti-unti na siyang napapalapit sa co-star niya sa reality show at click naman sila. Ang co-star ay matino kahit na maraming naging girlfriends at ni isang bad comment o bad write-ups ay walang nababasa sa guy kasi nga marunong makisama, super bait sabi ng karamihan.

Suwerte rin ng sikat na aktres kung sakaling matuloy na maging sila ng co-star niya dahil perfect gentleman at good provider ito.

At sa katunayan ay nanghihinayang din ang ilang ex-girlfriends ng guy na pinakawalan siya at ipinagpalit sa iba na ang ending ay nahiwalay din.

Ay ang bongga, pareho palang pinanghinayangan ng kani-kanilang exes sina sikat na aktres at co-star niya.

Kailan kaya sila aamin pag sila na?

Other Chika:
Paulo gaganap sanang transgender sa pelikula pero hindi natuloy: Sayang talaga!

Maja Salvador muling nakasama ang co-stars sa ASAP Natin ‘To!

Nadine game pa ring makatambal si James sa bonggang project; may mensahe sa mga loyal fans

Read more...