Jean Kiley planong bigyan ng launching movie, Rose Van Ginkel gaganap na camgirl sa ‘Kitty K7’

Jean Kiley planong bigyan ng launching movie, Rose Van Ginkel gaganap na camgirl sa 'Kitty K7'

ANG favorite event host ng Viva Films na si Jean Kiley ay planong bigyan ng launching movie ni Direk Dan Villegas ng Project 8 Productions na ire-release sa Vivamax.

Napag-usapan kasi kung kailan naman magkakaroon ng solong pelikula si Jean sa Vivamax dahil parati na lang siyang support sa mga bida tulad sa launching movie ni Rose Van Ginkel na Kitty K7 bilang bestfriend o consultant.

Private message namin si direk Dan kung anong nakikita niyang role na babagay kay Jean.

“Marami namang puwede depende sa materials/script,” sagot sa amin ng direktor/prodyuser.

Pero sinigurado na ni direk Dan sa ginanap na mediacon na siya ang maglo-launch kay Jean Kiley.

Samantala, biglang kinabahan ang event host ng siya naman ang tanungin kung ano ang role niya sa Kitty K7.

“I played the role of Tosha, bestfriend po ako ni Rose Van Ginkel po,” nakangiting sagot ng dalaga.

 

 

Bakit niya nagustuhan ang role niya, “kinabahan ako bigla pag nandito na (siya ang tinanong ng press). She’s a strong and modern woman but then, she has this certain value na may pagka old school and believes na hindi dapat ginagawa ‘yung role particularly nu’ng bestfriend niya, ‘yun po ang paniniwala niya but she’s a modern woman kaya medyo conflicting po siya.”

Dagdag pa ni Jean, “I relate to the character because I’m always the tagapayo sa grupo, ganu’n po ako sa friends ko. Dito sa role ko nagpapayo ako sa friend ko and I support her whatever she does, so ‘doon ako nakaka-relate.”

Hanggang saan ang kayang ipakita ni Jean Kiley considering na puro daring scenes ang ipinapakita ng mga pelikula nina AJ Raval, Angela Khang, Janelle Tee, Jela Cuenca, Denise Esteban, at marami pang ibang sexy stars.

“I’m ready to be sexy but there’s some limitations lang po, ha, ha, ha. I’m ready to be sexy without nudity. Can show skin but without nudity like private part po. I’m ready, I can play all roles po na sexy pero walang nudity lang,” pagdidiin ni Jean Kiley.

Anyway, mapapanood ang “Kitty K7” sa Vivamax sa July 8 na bagong kikiliti lalo na sa mga male viewers ang bagong ipapakita ni Rose Van Ginkel dito bilang CamGirl at true story ito na nag-viral ang gumawa nito kamakailan.

Si Joy Aquino ang direktor ng “Kitty K7” at kasama rin si Marco Gallo sa pelikula produced ng Project 8 for Viva Films.

 

Related Chika:

Read more...