Juan Karlos, Maureen Wroblewitz hiwalay na: Ikaw pa rin ang nag-iisa kong buwan

Juan Karlos, Maureen Wroblewitz hiwalay na: Ikaw pa rin ang nag-iisa kong buwan

LABIS na kalungkutan ang nararamdaman ng mga tagasuporta ng singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo at ni Miss Universe Philippines 2021 first runner-up Maureen Wroblewitz matapos nilang ianunsyo ang pagtatapos ng kanilang relasyon.

Ginulat ng dalawa ang online world nang magkasunod silang nag-post ukol sa kanilang break-up.

Mukha ngang totoo rin ang sinasabi ng mga netizens na ang 2022 talaga ang taon ng paghihiwalay.

“Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan,” saad ni Juan Karlos sa kanyang social media post ngayong araw, June 10.

Dagdag pa niya, “Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli.”

 

 

Samantala, isang quote card naman ang ibinahagi ni Maureen sa kanyang account na nagsasabing “Life is not happening to you. Life is happening for you.”

Saad ng model-beauty queen sa caption, “Some things come to an end and that’s okay. But now, it’s time for us to grow on our own.”

Makikita naman na nag-comment si Juan Karlos sa kanyang post.

“I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with,” saad ng binata.

Pagpapatuloy pa ni Juan Karlos, “You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay hangad pa rin ng mangangawit na makamit ng kanyang dating karelasyon ang mga pangarap nito kahit hindi na siya parte ng buhay nito.

“I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves,” dagdag pa ni Juan Karlos.

Sinagot naman siya ni Maureen at nagpasalamat.

“Thank you for everything!!” maikling sey ni Maureen.

Hinangaan naman ng mga netizens ang naging paraan ng dalawa sa kanilang paghihiwalay.

“Super mature way to say this. Kudos to you,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “This is the most painful break up. When you are okay but you need to break up for individual growth. Huhu.”

Related Chika:
Juan Karlos, Maureen muling pinakilig ang netizens; certified ka-Bandera rin

JK Labajo sa mga bumabanat sa Leni-Kiko Pasay rally: Imagination lang po namin lahat ‘yun

JK Labajo maraming hindi tinanggap na awards: Nagalit nga sa akin ang lola ko!

Read more...