PILIT na nagpapakatatag ngayon ang Kapuso TV host-comedian na si Herlene Budol habang ipinagluluksa ang pagpanaw ng kanyang lola at naghahanda sa finals night ng Binibining Pilipinas 2022.
Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin matanggap ng dalaga ang pagkawala ng kanyang Nanay Bireng, napakasakit daw para sa kanya ang iwan ng pinakamamahal niyang lola lalo pa’t isa-isa na niyang nakakamit ang mga pangarap niya.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Herlene o Hipon Girl ang isang litrato na kuha sa lamay ni Nanay Bireng at may caption na, “Ang bigat bigat sa dibdib…
“Dati, pag may natira ako sa kinita ko sa taping. agad agad ako bibili ng pasalubong kila Tatay Oreng ko at Nanay bireng kht tsinelas, duster o kht anong simpleng pasalubong makita ko lang yung gandang ngiti nila at may bonus pa akong masarap na akap galing sa kanila.
“Tapos yung mag tiktok kami at tuturuan ko pa sila sumayaw at sabayan lang ako mag tiktok. Ang babaw lang ng kaligayahan ko mga KaSquammy ko parang bata lang sa Hipon girl nyo…
“Yung mapasaya ko sila ay sobrang priceless na po para sa akin. dahil kulang pa yung pag aaruga nila sa akin sa dalawampu’t dalawa taon sa akin,” mensahe ng aspiring beauty queen.
Patuloy pa niya, “Ngayon, napakabigat sa dibdib ko dahil eto na yung huling damit na ibibili ko para kay Nanay. indi ko na cya makasama sa tiktok at kulitan. ang sakit sakit mawalan ng taong mahal mo sa buhay.
“Si nanay Bireng at si Tatay Oreng ang number #1 fan ko at proud na proud sa akin sa bawa’t apearance ko sa television at wala silang linalagpasan sa lahat ng appearance ko simula ng Wowowin days.
“Sobra ko silang na appreciate dahil laging silang naka abang sa TV at proud ako sabihin sa buong KaSquammy, Kahiponatics at Kabudol ko dyan na sila Tatay Oreng at Nanay Bireng pina laki ako ng maayos at indi biro yung dalawampu’t dalawa na taon.
“Kaya sobrang sama ng loob ko sa sarili ko na hindi ko man lang sila nabigyan at maranasan ng magandang buhay sa pag aaruga nila sa akin.
“Shoutout nga pala sa dati kong Manager na isang taon ko pinag hirapan sa trabaho na wala ako natanggap ni singkong duling.
“Sana man lang matuto ka po yung salitang proper turn over yung mga proyekto na pending at sa pera pinag hirapan ko na kolekta mo na sana pandagdag din sa ambag ko para sa aking pamilya.
“Kaya kayo mga kabataan, bigyan natin ng oras mga magulang natin at pamilya habang sila ay nasa atin pa. hindi natin hawak ang oras ng tadhana. bigyan natin sila ng araw araw na pag mamahal at aruga,” lahad pa ng dalaga.
Sa huling bahagi ng kanyang FB post, inilarawan din niya ang personalidad ng kanyang lola, “Opo, minsan makulit, minsan nakakainis, lalo na’t pag pinapagalitan. Pero isa lang ang hangarin nila sa atin, ang mabuhay ng tama. suklian natin sila ng oras, kaligayahan at laging tutukan ang kanilang kalusugan.
“Kapag naka luwag-luwag, ayusin ang kanilang mga health insurance, philhealth para mabawasan sa oras ng kagipitan at matunton ang sa gamot at pang-ospital.
“Nanay Bireng, gabayan mo ako at wag mong kalilimutan na pinangakuan mo kami ni Sir Wilbert Tolentino na manonood ka sa Binibining Pilipinas sa July 31, 2022.
“Samahan mo ako at bigyan mo rin ako ng lakas loob sa Patimpalak na ilalaban ko sa darating ng Coronation night. Manalo o Matalo gusto ko lang maging masaya kayo ni Tatay sa narating ko at mag sisilbi ng inspirasyon sa lahat ng umiidolo sa akin.
“Love u Nanay Bireng ko, sana magustuhan mo yung outfit napili ko para po sayo. Pangako na aalagaan ko si Tatay Oreng at ang aking Pamilya,” pahayag pa ni Herlene.
https://bandera.inquirer.net/315245/herlene-budol-humiling-ng-dasal-para-sa-lolang-may-sakit-mga-kahiponatics-humihingi-ako-ng-prayers-para-kay-nanay-bireng
https://bandera.inquirer.net/315250/lola-ni-herlene-budol-pumanaw-na-napakasakit-ang-makita-siyang-nagdurusa-sa-mga-huling-oras-niya
https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality