Pangako ni Rufa Mae kapag naging senador: Magkakaroon ako ng batas ng gatasan…free milk for everyone!

Rufa Mae Quinto

KUNG matutuloy nga ang pagtakbo niya bilang senador at kung papalaring mahalal sa susunod na eleksyon, may mga naiisip na si Rufa Mae Quinto na mga panukalang-batas na nais niyang isulong.

Nagpahayag ang veteran comedienne ng interes sa pagsabak sa politika matapos sumampa sa mga campaign rally nitong nagdaang presidential elections.

Sa mediacon ng bago niyang comedy show na “TOLS” na mapapanood sa GTV, kinumpirma ni Rufa Mae na totoong may plano rin siyang sumabak sa mundo ng politika.

At ganito rin halos ang naging pahayag niya sa bagong vlog ni Toni Gonzaga nang tanungin siya kung kailan ba n’ya nakikita ang sarili na magre-retire na sa pag-aartista.

“Gusto ko na nga ring tumakbo ng senate, e. Ha-hahaha! Hindi, joke lang. Pero parang, alam mo ’yon, kung walang-wala nang maaasahan kasi parang paubos na…sino na nga lang talaga ang okey?” ani Rufa Mae.


Sundot na tanong ni Toni sa kanya, “Hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa politika?”

“Hindi ko sinasabing hindi pero kung walang-wala na. Kung walang-wala nang tatakbo at maaasahan, siyempre naman. Mahal ko din naman ang tao,” tugon ng Kapuso star.

“Saan ka tatakbo? Saang lugar?” sunod na question ni Toni.

“Senate nga, e. Buong Pilipinas. Oo, todo na ’to!” sagot ni Rufa Mae sabay tawa.
Kasunod nito, natanong siya ni Toni kung ano ang unang batas na gagawin n’ya bilang isang senador.

“Oo nga, ’no? Ha-hahaha! May ganu’n pala. Ay hindi muna pala (ako tatakbo). Ha-hahaha!”

Nag-isip sandali si Rufa Mae sabay sabing, “Ang batas…pupunta ba sa Batasan (Pambansa)? Magkakaroon ako ng batas ng gatasan.

“Lahat ng gatas ipamimigay ko kaya kailangang ma-preserve. Oo, free milk for everyone. And more, more buko juice and honey. Charot! Ha-hahaha!” ang tawa pa nang tawang sey ni Rufa Mae.

Sey naman ni Ruffa sa amin, hindi naman daw siya nangangarap na mag-number one rin sa senatorial race tulad ni Robin Padilla, “Kahit nasa top 3 lang. Ha-hahaha!”

At kung bibigyan daw siya ng posisyon sa Marcos administration na ikinampanya niya noong nagdaang elekayon, “Puwede ako sa Tourism o sa DILG (Department of Interior and Local Government). Diyan pwede tayong gumamit ng batuta. Lagot kayo sa akin (mga tiwalang opisyal).”

Samantala, gusto ni Rufa Mae na magtagal muna rito sa Pilipinas para makagawa pa siya ng naraming proyekto tulad na lang ng bago niyang sitcom na “TOLS” na ipalalabas na sa GTV simula sa June 25, 7 p.m..

Makakasama niya rito ang tinaguriang bagong triplets, sina Kelvin Miranda, Abdul Raman at Shaun Salvador with Betong Sumaya, Arkin del Rosario, Raymond Mabute at Olive Mae. Ito’y sa direksyon ni Monti Parungao.

https://bandera.inquirer.net/292002/rufa-mae-sa-epekto-ng-pandemya-parang-naging-horror-film-ang-buhay

https://bandera.inquirer.net/287364/rufa-mae-napabayaan-ang-sarili-inatake-ng-depresyon-sa-us-pero-lumaban-ako-at-kinaya-ko

https://bandera.inquirer.net/311290/rufa-mae-balik-kapuso-na-welcome-back-to-me

Read more...