“HIWALAY” muna ang rumored couple na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.
Kahit hindi pa lantarang umaamin ang dalawang Kapamilya stars, marami ang naniniwala, lalo na ang kanilang mga tagasuporta, na matagal na silang magdyowa.
Aminado si Paulo na mas naging solid pa ang special friendship nila ni Janine matapos nilang gawin ang seryeng “Marry Me Marry You” sa ABS-CBN.
“I discovered a lot kay Janine also in terms of her family and everyone she would make kuwento. I think I got to know her better,” pahayag ng aktor sa isang panayam.
“Actually pag-lock-in nga mas nagkakausap kami kasi halos araw-araw kayo sa set.
“Kapag break wala rin akong makakasama kung ‘di sila. Sabay sabay din kumain lahat. ‘Yung biyahe abroad parang less pa kami nagkikita more than sa lock-in,” sabi pa ni Pau.
Paglalarawan niya sa relasyon nila ngayon ni Janine, “Happy ako na any time na gusto ko ng kausap puwede kong tawagan si Janine, puwede ko siyang imbitahan kumain or magkape. Siguro what I like about her is ‘yung madali siyang patawanin.”
Pagkatapos nilang gawin ang “Marry Me Marry You” at ang bago nilang pelikula na “Ngayon Kaya”, may kanya-kanya muna silang gagawin na projects kaya “break” muna sila ngayon.
“Nag-e-enjoy naman kaming magkatrabaho at sana magkatrabaho ulit kami. At kanya kanyang project muna. May gagawin si Janine na bagong project kasama si Zanjoe (Marudo) sa ABS-CBN. Ako naman babalik muna ako sa pagiging tambay ko,” birong chika ni Paulo.
Sa presscon ng pelikula nilang “Ngayon Kaya” natanong sina Janine at Paulo kung naniniwala sila na ang true love ay right timing din.
“Yes, I do. Minsan iba lang ang timing or mayroon pang naghihintay or darating so sa akin never stop believing. It doesn’t matter if you wait for years, or gaano katagal pa yon pero darating at darating yon,” sagot ni Paulo.
“Agree. Sabi nga ni AM (ang character niya sa pelikula), if you believe with all your heart, the universe will help you. I think kahit ano pang mangyari sa buhay mo, you can’t give up on love,” sey naman ni Janine.
https://bandera.inquirer.net/291328/paulo-ipinakulam-daw-ng-galit-na-fan-parang-hindi-naman-effective
https://bandera.inquirer.net/303711/paulo-diretsahang-tinanong-si-janine-type-mo-raw-ba-ako-jojowain-o-totropahin
https://bandera.inquirer.net/290963/paulo-sa-muling-pagsabak-sa-lock-in-taping-pinakamahirap-na-part-yung-naho-homesick-ka