Jodi sa pagtatapos ng ‘Broken Marriage Vow’: Sabi ko after this, ayoko na…feeling ko wala na, eh, nasagad talaga!

Jodi Sta. Maria

ITINUTURING nang isang iconic role ang ginagampanang karakter ni Jodi Sta. Maria sa seryeng “The Broken Marriage Vow” na “Dra. Jill.”

Sa huling tatlong linggo ng hit Kapamilya primetime series, asahan na raw ang mas marami pang exciting part na siguradong ikagugulat ng manonood.

Sa ginanap na presscon kahapon para sa finale ng serye, nagbahagi si Jodi ng ilang detalye tungkol za naging experience niya sa pagagawa nito at kung bakit nasabi niyang baka ito na ang last drama series na gagawin niya.

“This role has really pushed me to the edge kumbaga pushed me to my limit parang heto na ‘to, hanggang dito na ‘to.

“I clearly remembered, after we all watched the trailer, may papiging doon sa gilid. We were all happy na finally nakita na namin ‘yung glimpse ng ginawa namin but parang I just told Zanjoe (Marudo) and Direk Andoy (Ranay), sabi ko, ito na ‘yung huling project ko. Sabi ko, after ‘TBMV,’ ayoko na,” sey ng aktres.

Inamin niyang kinuwestiyon niya ang kanyang kakayahan nang ibigay sa kanya ang project pero feeling niya after doing “The Broken Marriage Vow” parang ano pa ang magagawa niya sa susunod niyang acting project.

“Hindi ko alam kung unang-una, meron pa ba akong mabibigay sa susunod na project na feeling ko na lahat na ibinigay ko na rito. Hindi talaga naging madali feeling ko heto na ‘yun, wala na akong ibang magagawa after this.


“Sabi ko nga kapag kumukuha ako ng bond paper nagta-try ako ng isang bagong character, wala talaga, parang feeling ko lahat ng creative juices ko na-cut off. Ang naisip ko, kung artista ka at ganito ka kaubos ano pang pwede mong gawin?” pag-amin ni Jodi.

Patuloy pa niyang sabi, “Pagkalabas ko ng lock-in (taping), I realized that I was so tired. I was physically, emotionally, and mentally exhausted from playing the role of Dra. Jill kasi feeling to talaga wala na eh. Nasagad talaga.

“All I really needed lang pala was a break, to recharge, to relax, to just kalma. ‘Yan ang aabangan nilang exciting part. Wala pa talagang concrete na plano kung ano’ng mangyayari sa akin after ‘The Broken Marriage Vow.’ ‘Yun lang muna ang masasabi ko,” aniya.

Sa last three weeks ng “The Broken Marriage Vow” abangan kung ano ang magiging shocking ending ng kuwento nina David Ilustre (Zanjoe), Dra. Jill at Lexy (Sue Ramirez) pati na ng iba pang karakter sa kuwento na nagmarka rin nang bonggang-bongga sa manonood.

Napapanood pa rin ang “The Broken Marriage Vow” mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, at TV5. It is also available on iWantTFC and Viu.

https://bandera.inquirer.net/305184/jodi-na-broken-marriage-vow-din-sa-tunay-na-buhay-isa-yun-talaga-sa-pinaka-painful

https://bandera.inquirer.net/302962/jodi-may-natutunan-sa-karakter-bilang-dra-jill-ilustre-there-is-always-a-life-after-a-heartbreak

https://bandera.inquirer.net/303073/jodi-inatake-ng-psychological-sepanx-after-ng-lock-in-taping-sa-baguio-nasa-real-world-na-ba-ako

Read more...