Janelle Tee inatake ng matinding hiya kay Joey Reyes: Intimidating, siyempre kasi baguhan lang akong artista

Joey Reyes at Janelle Tee

HIYANG-HIYA ang aktres at dating beauty queen na si Janelle Tee sa award-winning director na si Joey Reyes habang ginagawa nila ang pelikulang “Secrets.”

Isa si Janelle sa mga Vivamax sexy stars na super busy ngayon dahil sunud-sunod nga ang mga pelikulang ginagawa niya kung saan game na game siya sa hubaran at pakikipag-love scene.

In fairness, nagmarka talaga si Janelle sa mga past movies niya tulad ng “Putahe” kung saan nagkaroon siya ng lesbian love scenes kasama ang isa pang Vivamax bombshell na si Ayanna Misola.

Pinag-usapan din ng mga Vivamax subscribers ang kanyang sado-masochistic sex scenes kasama si Baron Geisler sa “Pusoy” kung saan sumabak sila sa iba’t ibang sex positions.

At dito sa “Secrets” na mapapanood na sa Vivamax sa June 10, asahan daw ang mas matitindi pa niyang pasabog na eksena kasama sina Benz Sangalan, Felix Roco at Denise Esteban.


Ayon kay Janelle, ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Joey Reyes, “Noong una nahihiya ako kasi Direk Joey Reyes ‘yan, intimidating, e baguhan lang akong artista. But sa set, sobrang gaan niyang katrabaho.

“Masaya, I felt comfortable agad. Ang dami niyang advice sa akin about life and the industry. He noticed, ‘grabe ang appetite mo ha, o sige pa.’ Talagang pinapakain niya ako. Siya lang ang director ko na lagi akong binibigyan ng food so I had fun with him,” kuwento ng dalaga.

Nakaka-relate ba siya sa karakter niya sa movie bilang si Janine na may karelasyong lalaki (Benz Sangalang) na mai-involve sa ibang guy (Felix Roco).

“Si Janine kasi, nasa loob ang kulo niya, and I’m not like that. But I can relate with her in that she’s a keen observer, tahimik lang, pero ina-assess ang mga tao sa paligid niya,” ani Janelle.

Hindi ba siya nalilito o nako-confuse sa mga sexy roles na ginagampanan niya dahil nga sunud-sunod ang pagpapalabas nito sa Vivamax?

“May shooting gaps naman so there’s time to rest and prepare for the next project. And with the help of the director, hindi ka malilito. And the take away naman po from ‘Secrets’ is that it takes two to tango, to make a relationship work and be careful because everyone has a secret,” paliwanag niya.

Samantala, natanong kung ano ang masasabi niya sa pahayag ni Ariella Arida na looking forward itong makasama siya sa isang project at ang mga kapwa nila beauty queen na sina Cindy Miranda, Kylie Versoza.

“Dream ko rin ‘yun, e. Ariella and I, nagkasama kami as hosts sa Wowowin, so sana nga magkasama kaming apat later on and I’m sure we’ll enjoy it,” sabi ni Janelle.

https://bandera.inquirer.net/313280/janelle-tee-bet-maging-best-actress-game-na-game-sa-matitinding-eksena

https://bandera.inquirer.net/314502/janelle-tee-todo-bigay-sa-pelikulang-pusoy-first-time-gumamit-ng-sex-toys

https://bandera.inquirer.net/314616/baron-sa-sex-scenes-nila-nina-janelle-tee-at-angeli-khang-akala-nyo-nag-eenjoy-kami-hindi-po-nanginginig-kami-sa-takot

Read more...