PINAG-UUSAPAN ngayon sa Facebook ang isang netizen dahil nag-surface ang photo niya nina Moira dela Torre at Jason Hernandez while kissing.
Sa photo na ipinost ni Abby Villano, ito ang kanyang caption, “Magbebreak din panigurado sila Moira at Jason sa 2022.”
Nagkatotoo ang caption ni Abby kaya naman pinag-uusapan siya ngayon sa Facebook. Inamin ng couple na naghiwalay na sila. Actually, si Jason ang unang nagbigay ng official statement sa kanilang paghihiwalay.
Mukhang hindi naman edited ang photo at mukhang nangyari talaga ang post noong 2017.
With that, ang daming nag-react sa post na iyon ni Abby. Ang daming nag-comment.
“Pakihulaan kaylan kami magmemeet ni Lee Minho (이민호) at ilan magiging anak naming.”
“Grave ka mamiredict.”
“Pahula po.”
“Halaaa, kabahan ka na Rudy mukhang may papalit na sayo JK HAHAHAHA.”
“Nahulaan na pla.”
“Apo ka ata ni NOSTRADAMUS.”
* * *
Masayang-masaya si Kim Chiu sa pagbabalik nina Anne Curtis at Jhong Hilario sa “It’s Showtime.”
Nag-post si Kim ng group photo kasama ang mga host ng show sa kanyang Instagram account. Halatang na-miss nang husto ng dyowa ni Xian Lim sina Anne at Jhong.
“Welcome back ate @annecurtissmith and kuya @jhonghilario.
“Looking at these photos napapakanta ako ng “FAMILY IS FOREVER” di man pasko pero ang saya makakita ng pamliyang buo. Congratulations @itsshowtimena fam.”
That was her caption kasama ang kantang ito:
“Sa lahat ng taong nagdaan
“Kasiyahan o kalungkutan
“Always there for each other, kinaya natin together
“Forever, forever, family is forever
“Pinag-isa tayo ng Diyos at pag-ibig
“May lisang puso at lisang tinig
“Forever, forever, family is forever
“Forever, forever, family is forever.”
Marami ang natuwa sa post na iyon ni Kim.
“Awww so much happy to all kasi matagal ko narin pong hinihiling mabuo ang Showtime Family mas masaya kapag buo po kayong lahat salamat kay lord natupad ang mga dalangin na mabuo po kayo ulet.”
“God is good sobrang happy kami for this surprise please kim wag mong iiwan ang showtime family since day one showtime is our everyday life we cant live without showtime .godbless showtime family 13 years and more more years to come.”
“Sobrang saya na kompleto na po kayo nakakaiyak so happy welcome back ate Ann and Kuya jhong. We love you ate kim and st gamily.”
https://bandera.inquirer.net/315025/moira-nagsalita-na-ukol-sa-hiwalayan-nila-ni-jason-while-our-marriage-was-not-perfect-i-have-stayed-true-to-my-vows
https://bandera.inquirer.net/314790/jason-hernandez-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-moira-dela-torre-im-sorry-for-everyone-i-hurt
https://bandera.inquirer.net/315042/vice-ganda-sinupalpal-ang-netizen-na-sinabing-susunod-na-siya-kay-moira-na-makikipaghiwalay