Brenda Mage may bagong dyowa, bwelta sa bashers: Ano ngayon kung pera lang habol sa ‘kin ng lalaki at niloloko lang ako?

Brenda Mage at Gio Sta. Ana

IBINANDERA ng Kapamilya comedian at “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” 5th Big Placer na si Brenda Mage ang bago niyang boyfriend.

Proud na ipinakilala ng komedyante sa madlang pipol ang dyowang non-showbiz guy sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Talagang itinaon ni Brenda ang kanyang announcement sa pagsisimula ng Pride Month ngayong June at ang name daw ng bago niyang BF ay Gio Sta. Ana, na mula raw sa Sta. Cruz, Laguna.

Ipinost ng komedyante sa FB ang photo ni Gio na may caption na, “MAY JOWA NA AKO ULIT HAHA!”

Kasunod nito, hugot kung hugot ang next post ng Kapamilya comedian kung saan sinabi niya na walang kasiguraduhan kung magtatagal ba ang relasyon nila ng bagong boyfriend.

“Wala naman kasiguraduhan kung magtatagal kayo.. ang importante totoo ang nararamdaman nyo. kahit isa dalawa tatlong linggo o buwan lang ito (rainbow emoji),” saad ni Brenda.

Nito namang nagdaang Linggo, June 5, muling nag-post ang komedyante ng mga litrato nila ni Gio habang nagtatampisaw sa isang falls.


Dito makikitang karga-karga ni Brenda ang BF at may caption na, “Iayon sa mukha ang pag iinarte!

“Wag nalang kung di niyo kaya ng ganito! Mars Ellen Adarna entry nyo ni Pareng Derek! Hahahahaha,” biro ni Brenda.

Kahapon naman, June 6, ibinahagi rin ni Brenda ang mga bagong litrato nila ni Gio hawak ang bouquet of flowers na bigay daw ng guy sa kanya.

Sey niya sa caption, “06.02.22 HAPPY PRIDE MONTH (rainbow emoji) pasurprise surprise ka pa talaga Gio Sta Ana grrrr… Thank you Love (heart emoji).”

Maraming nag-congratulate kina Brenda at Gio na nagsabing sana raw ay pang-forever na ang kanilang relasyon. Ang iba naman ay nag-wish na sana’y natagpuan na ni Brenda ang kanyang Mr. Right.

Pero siyempre, as expected, may mga nangnega rin sa dalawa at nagkomento na baka raw pera lan ang habol sa kanya ng lalaki.

Depensa naman ni Brenda, hindi lang naman daw siya ang gumagastos sa mga dyowa nila at hindi rin daw issue sa kanya kung pera lang ang habol sa kanya ng lalaki.

“Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal?

“Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha ahaha anu to Para sa inyo lang Valid ang Feelings. hahahaha!

“Taas ang kamay sa mga di gumagastos sa Jowa yung malinis ang Relasyon ahahaha HAPPY?” katwiran pa ni Brenda na nagsabing ipinakilala na rin niya ang dyowa sa kanyang mga magulang.

https://bandera.inquirer.net/301114/brenda-mage-nag-alala-sa-pamilyang-naapektuhan-ng-bagyong-odette-babalik-na-naman-po-sila-sa-umpisa
https://bandera.inquirer.net/302090/pagkatalo-ni-brenda-mage-sa-pbb-10-ikinatuwa-ng-netizens-yan-ang-tinatawag-na-karma

https://bandera.inquirer.net/299841/brenda-mage-kasama-sana-sa-darna-pero-pinili-ang-pbb-ako-si-valentina-pero-tinanggihan-ko-charot

Read more...