Relasyong Gerald-Julia hindi raw magtatagal ani Cristy Fermin

Relasyong Gerald-Julia hindi raw magtatagal ani Cristy Fermin

HINDI naniniwala ang kolumnistang si Cristy Fermin na magtatagal ang relasyon ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson kay Julia Barretto.

Sa kaniyang YouTube channel na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Morly Alinio ay isa sa mga naging paksa ng kanilang chikahan ang naging pahayag ni Julia ukol sa dati nitong karelasyon na si Joshua Garcia na huwag munang pumasok sa isang relasyon.

“Baka naman may gusto pa siya kay Joshua. Baka naman sabi niya, ‘antayin mo lang ako, makikipaghiwalay ako…’,” saad ni Morly.

Dito na pumasok si Nay Cristy at humingi pa siya ng paumanhin sa mga tao sa kanyang sasabihin ukol sa relasyon ng dalawa.

“Ako po, Sorry po ah. Hindi ko nakikitang magtatagal talaga si Gerald at Julia. Pinag-aralan na natin yan. Kasaysayan ni Gerald e alam naman natin ‘di ba?” saad ni ‘Nay Cristy.

Nadawit na nga rin ang pangalan ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ngunit agad siyang dinepensahan ni ‘Nay Cristy at sinabing imposible itong ma-link sa aktor dahil hindi naman ito malandi.

“Pero si Gerald, ibang klase,” dagdag pa ni Nay Cristy.

 

 

Matatandaan na bago pa man maging in a relationship ang dalawa ay dyowa muna ng aktor ang Kapuso star na si Bea Alonzo.

Sa katunayan nga ay may mga kumalat pa noong chika na habang magkarelasyon sina Gerald at Bea ay palihim nang nagsisimula ang matamis na pagtitinginan ng aktor at ng anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na nagkasama sa 2019 movie na “Between Maybes”.

Agad naman itong pinabulaanan ni Julia noon at sinabing wala naman siyang inaagaw.

Marso naman ng nakaraang taon nang aminin ni Gerald ang relasyon nila ni Julia sa isang exclusive interview niya kay Boy Abunda.

Related Chika:
Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya

Julia may ibinuking tungkol sa tunay na ‘pagkatao’ ni Gerald

Read more...