Miss World PH 2022 ibinandera ang Top 11 finalists

Miss World PH 2022 ibinandera ang Top 11 finalists
PINANGALANAN na ang mga kandidatang pasok sa Top 11 na siyang Matitira at maglalaban-laban para masungkit ang inaasam na korona bilang Miss World Philippines 2022.

Mula sa kaninang Top 20 ay labing isa na lamang ang magpapatuloy sa kompetisyon.

Pasok sa Top 11 sina Paula Ortega ng Paranaque, Erika Kristensen ng Carmona, Cavite, Gwendolyne Fournoil ng Negros Occidental na siya ring itinanghal bilang Best in Evening Gown.

Tuloy pa rin ang laban para kina Alison Black ng Las Pinas na nagwagi sa Best in Swimsuit, Ashley Montenegro ng Makati, at si Justine Felizarta ng Marikina.

 

 

Hindi rin naman magpapakabog sina Kayla Tiongson ng Lipa, Batangas, Casandra Chan ng San Juan, Beatriz Mclelland ng Aklan, Maria Gigante ng Cebu, at Ingrid Santamaria ng Paranaque.

Kasalukuyang ginaganap ang Miss World Philippines 2022 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kungg saan ang maswerteng magwawagi ng korona ay susunod sa yapak ni Tracy Maureen Perez na siyang naging representante ng bansa sa nagdaang Miss World 2021.

Bukod sa Miss World Philippines 2022 crown, ang iba pang titulong pinaglalabanan ay ang Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, at Miss Eco Teen Philippines.

 

Related Chika:
36 kandidata maglalaban-laban sa 4 titulo at korona ng Miss World PH 2022; sino kaya ang papalit sa trono ni Tracy Perez?

5 winner sa online challenges ng 2021 Miss Universe PH ibinandera na; bet ni Kris pasok sa banga!

Read more...