Pagkatao ni CRISTINE patuloy na niyuyurakan, wala raw kuwentang babae

IPINAGTANGGOL ni Rayver Cruz ang ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes laban sa mga taong nagsasabing walang kuwentang babae ang aktres.

Ayaw pa rin kasing tigilan ng mga detractors si Cristine, pilit pa rin nilang niyuyurakan ang pagkatao nito sa kabila ng kanyang pananahimik.

Ayon kay Rayver, sana’y tigilan na ang pang-aalipusta sa kanyang dating GF dahil wala naman daw talagang katotohanan ang bintang ng mga ito na playgirl at manloloko si Cristine.

“Parang tigilan na natin, tapos na. Walang third party. Hindi naman ganu’n si Cristine. Maging masaya na lang tayo para sa kanila, huwag na tayo gumawa pa ng kahit ano,” depensa ng aktor na umaani ngayon ng papuri sa magandang performance niya sa Primetime Bida series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin kasama nga sina Cristine at Gerald Anderson.

Dagdag pa ng binata, hindi si Derek Ramsay ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila ni Cristine, okay sila ng bagong BF ng sexy actress at wala na raw dahilan para mag-usap pa sila ng masinsinan tungkol sa kanilang nakaraan, “Wala ng time at saka wala naman sigurong bad blood sa amin ni Derek.

Hindi naman kailangan. Huwag na nating gawing issue kasi matagal ng wala kami ni Cristine.”  Naka-move on na rin daw siya sa break-up nila ni Cristine kaya nga maganda pa rin ang working relationship nila sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin, “Oo naman, mag-iisang taon na eh.”

( Photo credit to Google )

Read more...