Mga kandidata mula sa Cebu City, Bulacan, San Juan, Iloilo at Roxas City pasok sa Top 20 ng Miss World PH 2022

Miss World Philippines 2022 candidates

IBINANDERA na ang Top 20 candidates na maglalaban-laban sa huling round ng Miss World Philippines 2022 pageant.

Kasalukuyang ginaganap ngayon ang grand coronation night ng inaabangang national pageant sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

At kani-kanina lang, in-announce na ng mga hosts ng beauty contest ang 16 finalists kabilang na ang mga nanalo sa ginanap na fast-track events nitong nagdaang linggo.

Kabilang sa mga fast-track challenges na kinarir ng mga official candidates sa pageant ay ang Top Model competition, “Head to Head”, “Sports Challenge”, “Beauty with a Purpose” at “Talent.”

Pasok sa Top 20 si Maria Gigante ng Cebu na wagi sa Sports Challenge, Best in National Costume naman si Lady Santos ng Bulakan, Bulacan, Best in Talent si Casandra Chan ng San Juan City, Ambassador of Goodwill si Tsina Chu, Iloilo Province, Miss Multimedia sina Simone Bornilla ng Marinduque at Erika Vinculado ng Roxas City.

Tuloy pa rin ang laban nina Beach Beauty Challenge winner Gwendolyne Fourniol ng Negros Occidental, Head to Head winner Charyza Esparrago ng Taguig at Top Model Ingid Santamaria ng Makati.

Pasok din sa Top 20 sina Ashley Montenegro ng Parañaque, Paula Ortega ng Albay, Erika Kristensen mula sa Carmona Cavite, Natazha Bautista ng Misamis Oriental, Aliana Joaquin ng Bacoor City, Alison Black ng Las Piñas City, Kayla Tiongson ng Lipa City  Justine Felizarta ng Marikina, Beatriz Mclelland ng Aklan at ang Beauty with a Purpose Challenge winners na sina Anje Mae Manipol mula sa Quezon Province at Patricia Macgee ng Zambales.

Mula sa 20 kandidata, pipiliin naman ang Top 10 na siyang aarangkada sa susunod na laban para makuha ang inaasam nilang korona.


At isa nga sa kanila ang papalit sa trono ni reigning Miss World Philippines 2022 Tracy Maureen Perez.

Apat na titulo at korona ang naghihintay para sa mga masusuwerteng kandidata na magpapakitang-gilas sa finals night — ang Miss World Philippines, Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines at Reina Hispanoamericana Filipinas.

Bukod dito, may tatanghalin ding Miss Eco Teen Philippines, First Princess at Second Princess. Inaasahan din na may isa pang surprise title na ibibigay ang MWP organization.

Siguradong ngayon pa lang ay may mga choices na ang mga Filipino pageant fans para sa mga titulong ipamamahagi ng Miss World Philippines organizers.

Sino nga kaya ang kokoronahan ni Tracy Maureen Perez bilang bagong sa Miss World Philippines 2022 na siyang magiging bet ng Pilipinas sa Miss World 2022 na posibleng maging second Miss World ng bansa after Megan Young?

https://bandera.inquirer.net/308305/tracy-maureen-perez-pasok-na-sa-top-12-ng-70th-miss-world-miss-mexico-pinalakpakan-hiniyawan-nang-bongga

https://bandera.inquirer.net/312135/uniquelybeautiful-sino-sa-32-kandidata-ng-miss-universe-ph-2022-ang-papalit-sa-trono-ni-beatrice-gomez
https://bandera.inquirer.net/308305/tracy-maureen-perez-pasok-na-sa-top-12-ng-70th-miss-world-miss-mexico-pinalakpakan-hiniyawan-nang-bongga

Read more...