Miss World PH 2022 candidates Gwendolyne Fourniol, Ashley Montenegro matunog sa global pageant observers

Miss World PH 2022 candidates Gwendolyne Fourniol, Ashley Montenegro matunog sa global pageant observers

MABENTA ang Miss World Philippines 2022 candidates na sina Gwendolyne Fourniol (Negros Occidental) at Ashley Montenegro (Makati) sa mga international beauty pageant observers gaya ng Missosology at Sash Factor.

Ayon sa Missosology, isang beauty pageant platform ay pinangalanan na nila ang kanilang napupusuang top candidates na ibinandera sa kanilang Facebook page kahapon, June 4.

Si Gwendolyne ang napili nila bilang Miss World Philippines 2022 dahil pasok na pasok ang dalaga sa kanilang checklist sa nararapat na manalo samantalang si Ashley Montenegro naman ang kanilang Miss Supranational.

“She’s an all-around contestant with a lovely singing voice, a beauty that can turn heads, a well-proportioned body and above all, she’s passionate about her charity project that focuses on providing children with equal access to education,” saad ng naturang organisasyon.

Si Ashey naman ang kanilang bet para sa Miss Supranational dahil “finesse” ito at elegante onstage.

Narito ang kumpletong listahan ng kanilang “hot picks”.

Base naman sa post ng Sash Factor, si Ashley naman ang kanilang pambato bilang Miss World Philippines 2022 samantalang si Gwendolyne naman ang kanilang napupusuan bilang Miss Supranational.

Ngayong araw ay inilabas nila sa kanilang Facrbook page ng final SashPick”.

Ngayong gabi na ang Miss World Philippines 2022 coronation night na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan ang mga dating title holders na sina Katarina Rodriguez (2018), Laura Lehmann (2017) at Valerie Weigmann (2014) ang mga hosts.

Related Chika:
Miss Namibia waging Miss Supranational 2021; Dindi Pajares umabot sa Top 12

Valeen Montenegro laging tinutukso dahil sa boobs: But I’m very confident with my ‘babies’

Read more...