Karen Davila napikon nga ba nang sabihan ni Imee Marcos ng, ‘Akala ko magma-migrate ka ‘pag nanalo ang Marcos?’

Imee Marcos at Karen Davila

NAGING sentro na naman ng pamba-bash sa social media ang veteran broadcast journalist na si Karen Davila matapos ang interview niya kay Sen. Imee Marcos kahapon, June 1.

May konek daw ito sa sinabi umano ni Karen noon na lilipat siya sa ibang bansa kapag ang kapatid ng senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mananalong presidente ng Pilipinas sa May 9, 2022 elections.

Ang feeling naman ng mga supporters ng Kapamilya news anchor binastos at ipinahiya siya ni Sen. Imee sa mismong show niya na “Headstart” sa ANC.

Sa napanood naming video, super smile at masayang ipinakilala ni Karen si Sen. Imee bilang special guest sa kanyang programa. Aniya, “Joining us this morning on Hot Copy, we have with us, this is gonna be a very colorful discussion.


“We have Senator Imee Marcos. Senator Marcos, good morning to you,” ang pagbati pa ni Karen sa senadora.

Sumagot naman si Sen. Imee na todo rin ang ngiti ngunit makikita sa itsura nito ang tila pang-aasar kay Karen, “Yes, good morning Karen. It’s nice to see you you’re still here in the Philippines.”

“Well, first of all, congratulations,” ang tugon naman ni Karen sa kanya na mukhang hindi naman naapektuhan sa sinabi ng senadora.

Sundot na hirit pa ng kapatid ni President-elect Bongbong Marcos  Senator na all-smile pa rin sa harap ng camera, “Akala ko magma-migrate ka pag nanalo ang Marcos.”

Sey naman ni Karen na compose na compose pa rin, “Hoping always for the best for the country.” Na sinagot uli ni Sen. Imee ng, “Thank you very much. We need that UniTeam (ang grupo nina Bongbong Marcos at Vice-President-elect Sara Duterte).

At kasunod nga nito, nagbatuhan na ng maaanghang na salita ang Marcos loyalists at ang mga followers ni Karen sa socmed. May nagsabing nagpakababa raw si Sen. Imee sa pang-ookray kay Karen at may nagkomento na tama lang daw na ipahiya ang news anchor sa madlang pipol.

Ilang netizens din ang humanga kay Karen dahil nanatiling cool at marespeto ang broadcaster sa kabila raw ng ginawa sa kanya ng kapatid ni Bongbong.

Samantala, kagabi, nag-post si Karen sa Facebook ng mensahe tungkol sa issue. Paglilinaw niya, “Let me set the record straight on this one.

“Sen Imee Marcos on #ANCHeadstart joked about me still being in the PH after her brother’s victory to which I replied. ‘ALWAYS HOPING FOR THE BEST FOR THE COUNTRY’ Yan po ang sagot ko.

“Napikon po ba ako? Hindi po. Sen. Imee Marcos also sent me an apology by text after the show. All good. Salamat!” ang message pa ni Karen.

Kasunod nito, muli siyang nag-post ng, “In victory, resist the temptation to gloat. Graciousness is a class act.”

https://bandera.inquirer.net/285889/karen-na-depress-napapaiyak-dahil-sa-pagkapaos-i-wanted-to-quit-i-was-so-scared-to-go-to-work

https://bandera.inquirer.net/302529/karen-binasag-ang-basher-na-nagsabing-wala-siyang-ginawa-kundi-mag-travel-get-a-life-man
https://bandera.inquirer.net/314802/kylie-sa-paghihiwalay-nila-ni-jake-akala-ko-siya-na-akala-ko-hindi-na-ako-magkakaroon-ng-heartbreak

Read more...