Felix Roco ayaw talagang maghubo’t hubad sa ‘Secrets’: I just did it para matapos na kaagad

Denise Esteban at Felix Roco

NAKIPAGSABAYAN na rin sa hubaran at paggawa ng sex scene sa pelikula ang magaling na character actor na si Felix Roco.

Hindi na rin nakaiwas sa usung-uso ngayong sex-drama movies sa Vivamax ang aktor at napasabak na rin siya sa paghuhubad sa pamamagitan ng pelikulang “Secrets” na idinirek ni Joey Reyes.

Pero inamin nga ni Felix na matinding nerbiyos ang naramdaman niya habang ginagawa ang mga love scenes niya sa movie kasama sina Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee, Denise Sebastian at Benz Sangalang.

Sabi ng aktor sa presscon ng “Secrets” kamakailan, pumayag na siyang magpaseksi sa pelikula, “Because I want to work.

“Ang hirap na kasi na wala kang ginagawa. I decided to…it’s about time na rin. Why not, di ba? If you’re prepared for something naman, I know you could give it a hundred percent, so I was prepared,” katwiran niya.

Aniya, bago niya ginawa ang movie, kinausap muna niya ang kakambal na si Dominic Roco, “Parati akong kinakabahan siyempre. Ako, kausap ko kapatid ko, parang ikaw ba gagawin mo ‘to? Pinag-uusapan na namin between sa aming dalawa. Pero, at the end of the day, ako rin naman masusunod.”

Inamin din ni Felix na parang ayaw niya talagang gawin ang nude scene nila ni Benz sa “Secrets”, “Actually, sa totoo lang, kinakabahan din ako, pero ayoko lang mag-stall ng shooting. I just did it para matapos lang kaagad.


“Nu’ng una talaga, ayokong gawin, pero ayoko naman masabihan na ‘O, bakit hindi mo ginagawa? Akala ko ba, game tayo?’” diin ng aktor.

Puring-puri naman nina Janelle, Denise at Benz si Felix dahil sa galing nitong artista. Sa katunayan talagang na-motivate sila nang husto sa mga eksena nila sa pelikula.

Sey ni Janelle, “Napaka-giving na aktor ni Felix. Nagkasama na rin kami sa Pusoy, pero sa Secrets, mas marami kaming interaction and then, maraming tensions.

“So, nakakakuha ako sa kanya ng energy na kailangan namin sa eksena,” aniya pa.

Para naman kay Denise, “Iba kapag yung kasama mong umaarte, e, magaling talaga. Parang madadala ka sa kanya. Matsa-challenge ka rin na kailangan mong pantayan yung energy na ibinibigay niya.”

Sey ni Benz, “Para sa akin po, ang naitulong sa akin ni Felix, mas naging komportable akong maghubad kasi may scene kaming tumatakbo sa dagat, maliwanag. Kumbaga, nakakahiya talaga.

“Nakita ko siya, parang wala lang. Tumakbo siya. Kung hindi niya ginawa yun, problema rin sa akin. Nahihiya talaga ako nu’ng umpisa, pero dahil du’n, na-encourage ako. Sa istorya kasi, talagang susundan ko siya,” sabi pa ng aktor.

Nang matanong naman tungkol sa isyu ng “cheating” na isa sa tema ng kanilang pelikula, “Worth it? No! It depends siguro sa tao eh, it depends on how long you have stayed with that person.

“Wala namang hindi nadadaan sa usap, eh. So kung important naman ‘yung partner mo, ba’t di mo kausapin to change things a bit di ba?” aniya pa.

Mapapanood na worldwide ang “Secrets” sa Vivamax simula sa June 10.

https://bandera.inquirer.net/304376/hashtag-wilbert-parang-kabayo-pag-nagmahal-ng-babae-naka-relate-kay-boy-bastos

https://bandera.inquirer.net/307148/nadine-lustre-tutol-sa-ipapagawang-tulay-sa-siargao-secret-beach-should-be-preserved

https://bandera.inquirer.net/311335/dominic-roco-inakalang-mahirap-kasama-si-xian-lim-napakabait-na-tao-at-hindi-siya-plastik

Read more...