Westlife, mag-co-concert muli sa Pilipinas sa 2023
Manila, Philippines – Inanunsyo ng Wilbros Live ang pagbabalik ng Westlife sa bansa para sa isa na namang kapana-panabik na concert!
Muling magko-concert sa Pilipinas ang sikat na Irish boyband para sa kanilang ‘The Wild Dreams Tour’, gaganapin sa Pebrero 20, 2023 sa Araneta Coliseum.
Huling bumisita ang Pinoy-favorite na grupo sa bansa noong 2019 para sa kanilang record-breaking reunion tour na tinawag na “The Twenty Tour.”
Ang Westlife ay boyband na binubuo nila Shane Filan, Nicky Byrne, Kian Egan, at Mark Feehily.
Ayon sa Wilbros Live, mag-uumpisa ang pagbebenta ng concert tickets sa June 4, alas-10 ng umaga via TicketNet.com.ph at mga TicketNet outlets.
Namayagpag at pinasikat ng Westlife sa Pilipinas ang kanilang mga orihinal na hit songs gaya ng “If I let You Go”, “My Love”, “Flying Without Wings”, “Fool Again”, “Queen Of My Heart”, “World Of Our Own”, at marami pang iba noong early 2000s. Kanila ring ipo-promote ang kanilang latest album na Wild Dreams sa kanilang pagbabalik dito sa Pilipinas.
#WESTLIFEManila2023
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.