IBINANDERA na ng Miss World Philippines (MWP) organization ang 10 kandidata na nanguna sa kanilang “Beauty with a Purpose” challenge.
Last weekend, inilabas ng organizers ng Miss World Philippines 2022 ang Top 10 candidates dahil sa mga ipinaglalaban nilang nga adbokasiya.
Ang “Beauty with a Purpose” program ay ang “charity arm of the Miss World Organization and helps contestants raise funds for their chosen beneficiaries.”
Mula sa 36 candidates, ang 10 kandidata na napili ay sina Miss Las Piñas Alison Black, Miss Pampanga Marinel Tungol, Miss Albay Paula Madarieta Ortega, Miss San Jose del Monte, Bulacan Samantha Gabronino, at si Miss Iloilo Province Tsina Jade Chu.
Pasok din ang mga kandidata mula sa Zambales na si Patricia Mcgee, Quezon Province, Anje Manipol, Bulakan, Bulacan, Lady Justerinnie Santos, Marikina, Justine Beatrice Felizarta, at Davao del Norte, Kristal Maria Gigante.
Ang magwawagi sa “Beauty with a Purpose” challenge ay ia-announce sa mismong coronation night at sigurado nang makakasama sa semifinals spot.
Kahapon, inilabas na rin ng Miss World Philippines ang Top 11 finalists sa National Costume competition.
Pasok dito sina Tsina Jade Chu ng Iloilo Province, Angel Jed Latorre ng Lambunao, Iloilo, Ingrid Santamaria ng Parañaque City, Samantha Gabronino ng San Jose Del Monte, Bulacan, Anje Manipol ng Quezon Province, Lady Justerinnie Santos ng Bulakan, Bulacan, Justine Beatrice Felizarta ng Marikina City, Kim Tiquestiques ng Balagtas, Bulacan, Gwendolyne Fourniol ng Negros Occidental, Paula Madarieta Ortega ng Albay, at Natazha Vea Bautista ng Misamis Oriental.
Ang tema ng national costume competition ngayong taon ay “Santacruzan”, na isang religious-historical parade (prusisyon) na ginaganap tuwing Mayo.
Nitong mga nakaraang linggo, ibinandera na rin ng MWP ang iba pang fast-track events ng pageants tulad ng Beach Beauty challenge, Sports challenge, Head to Head challenge at talent competition.
Magaganap ang Miss World Philippines 2022 coronation night sa June 5 sa SM Mall of Asia Arena.
Paglalabanan dito ng mga kandidata ang pitong titulo – ang Miss World Philippines, Miss Eco Philippines, Miss Eco Teen Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Multinational, Miss Philippines Tourism, at Miss Environment International.
Sino nga kaya ang papalit sa trono ni reigning Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez? Yan ang dapat nating abangan!
https://bandera.inquirer.net/280133/beauty-queen-tuloy-sa-pagtulong-kahit-may-pandemya
https://bandera.inquirer.net/280566/miss-world-ph-walong-korona-na-ang-igagawad
https://bandera.inquirer.net/306238/joshua-kumain-daw-sa-carenderia-sa-bulacan-ang-kutsara-na-ginamit-niya-naitabi-po-namin