MAS malalim pala ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Liza Soberano na iwan muna ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para sa kanyang pinapangarap na Hollywood dream.
Kinumpirma na ng dalaga ang balitang kumalas na siya sa pangangalaga ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz at totoong si James Reid na ang humahawak ngayon sa kanyang career.
Nagsalita si Liza tungkol sa bagong yugto ng kanyang buhay nang maging guest speaker siya sa Identity, isang annual festival na i organisa ng Pacific Bridge Arts Foundation bilang bahagi ng Asian Pacific Islander Heritage Month celebration.
Ito’y taun-taong ginaganap sa Los Angeles, California kung saan iniimbitahang mag-perform ang mga Asian-American artists.
“It feels very surreal. I am actually very nervous right now because this is my first time speaking on a stage in America.
“It has always been a dream of mine to come over here and being able to do work here and so I am really happy, and excited and feel incredibly honored,” ang pahayag ni Liza patungkol sa pagiging bahagi ng Identity 2022 na napanood namin sa isang video mula sa MYX Global.
Kasunod nga nito, nabanggit nga ni Liza na si James Reid na ang kanyang manager na member naman ng US-based Transparent Arts group na tumutulong sa mga Asian-American talents.
Sabi ng girlfriend ni Enrique Gil, ito na ang tamang panahon para subukan naman ang kanyang kapalaran sa ibang bansa.
Sa tanong kung ano ang maipapayo niya sa mga kapwa Asian talents na nangangarap ding magkaroon ng career sa US, “I would say to just go for it.
“A lot of times, it can be scary to kind of go outside your comfort zone and I myself, I am experiencing that right now.
“It would be so much easier for me to stay back at home and do the same thing that I’ve always been doing,” sabi pa ng aktres.
Pero ipinagdiinan din ni Liza na, “But my personal goal is to be able to bridge the gap between the Philippines and America and kind of give help to the younger generation, the little girls, who also dream of coming out here and making a career for themselves.
“I want to make it easier for them when they do that in the future. And if that means me taking the first leap, so be it,” paliwanag ng aktres.
Ngunit nang tanungin kung anu-anong major projects ang nakatakda niyang gawin sa Amerika, tumanggi nang magdetalye ang dalaga pero siniguro niyang, “There’s a lot of exciting things in store.”
“There’s nothing really to talk about specifically, but it involves me trying to explore different opportunities out here and in the Philippines, stuff I’ve never done before, so please watch out for that,” katwiran ni Liza Soberano.
Ang isa pang hindi pa nililinaw ni Liza ay kung sila pa rin ba ni Enrique o tuluyan na nga silang nagkanya-kanya ng landas?
https://bandera.inquirer.net/314505/liza-soberano-wala-nang-kontrata-sa-abs-cbn-tutuloy-pa-kaya-bilang-kapamilya
https://bandera.inquirer.net/291674/enrique-hindi-malilimutan-ang-pakiusap-ng-isang-fan-i-think-we-need-to-do-two-weddings
https://bandera.inquirer.net/284850/ogie-sa-haters-ni-liza-wala-namang-nakikitang-maganda-ang-bashers-kaya-nga-sila-bashers-di-ba