“FEELING ang galing-galing, hindi naman siya nakakatulong sa show. Kaya lang naman siya nandoon dahil kaibigan niya ‘yung isa sa host, inilapit siya.”
Ito ang naiiritang sabi sa amin ng isang source tungkol sa isang kilalang male TV host.
Ang binabanggit niyang TV host ay walang masa appeal at bulol pang magsalita ng Tagalog. Hindi lang daw siya matanggal sa show dahil sa kaibigan niyang host din sa parehong programa na inilapit sa producer kasi nga walang work.
Hindi nagugustuhan ng aming source ang ugali ng male TV host dahil feeling magaling kung makipag-usap at lagi nitong ipinagmamalaki na malaki ang nagagawa niya sa show kasi nga marami siyang followers sa isang livestream app.
“Sa tuwing may pre at post prod meeting laging binabanggit ni ____ (male TV host) ang followers niya at sinabi niya na isa siya sa dahilan kung bakit maraming viewers ang show kaya nagtatagal ito.
“Nakakahiya naman doon sa talagang milyones ang followers sa YouTube, Instagram, Twitter at Facebook na hindi nagyayabang. Dedma nga lang sila kapag bumabangka na ‘yang si ____ (male TV host),” pagtatapat pa ng aming kausap.
* * *
Itinanghal bilang kauna-unahang Ultimate Bida Star Singer angaspiring singerna si Amanda Manaois na anim na taong nang nagsisikap na abutin ang kanyang pangarap maging singer sa bansa.
“Paniguradong magbabago na yung buhay ko matapos ang anim na taon na pagsusubok kong makapasok sa music industry sa paggawa ko ng mga sinulat kong kanta at covers,” saad niya.
Sa huling live performance show, naalala ng host ng programa na si Karina Bautista ang sinabi ng head ng”It’s Showtime” at Polaris na si Reily Santiagosa ipinakitang improvement ni Amanda sa kompetisyon. Ayon sa “Bida Star Singer” judge, mas naging powerful ang boses ng dalaga mula nang una niya itong narinig kumanta.
Para nga kay Amanda, napaka-fulfilling ng naging journey niya sa online search, “Nitong nakaraang linggo, ang dami kong natutunan sa music, pagkanta, mga technique sa pagkanta mula sa mga hurado. Bukod dito, marami rin akong nakilalang bagong kaibigan,” pagbabahagi niya.
Mula sa daan-daang Filipino na nag-audition, nanaig si Amanda at nakakuha ng 84.51 ng vote points mula sa kumu diamonds, KTX votes, at judges scores sa kanilang huling sing-off kaya naman nasungkit niya ang titulo “Ultimate Bida Star Singer.”
Aniya, “Sobrang blessed and grateful ako kasi alam ko po yung hirap ng family ko po para matupad lang yung pangarap ko maging isang singer. Nag-join po ako sa ‘Bida Star Singer’ kahit pasuko na ako sa dreams ko. Natupad ko pa rin yung pangarap ko kaya nagpapasalamat ako sa suporta ng pamilya at friends ko.”
Bilang “Ultimate Bida Star Singer,” nanalo rin si Amanda ng P50,000 cash prize, ABS-CBN management at recording contract, tsansa na ma-shortlist para sa interview ng “Tawag Ng Tanghalan” sa “It’s Showtime,” appearances sa iba’t ibang Kapamilya shows, at isang special trophy.
Samantala, sumunod naman sa kanya si AJ Andales mula sa Cebu, na nakakuha ng 64.88 vote points at umuwing 3rd placer naman ang Bulacañong si Ryle Mendez na nakakuha ng 57.57 vote points.
Patuloy ang paghahanap ng “Bida Star” ng bagong mga talentadong Pilipino sa digital world at pagbibigay daan nila na tuparin ang pangarap ng mga Pilipinong may natatanging talento katulad nina DustineMayores na isang “PBB” kumunity season 10 teen housemate ngayon at Ruth Pagana isang Star Hunt artist at ngayon nga ang bago nilang winner na si Amanda.
https://bandera.inquirer.net/295162/kilalang-male-star-sugatan-na-naman-ang-puso-matapos-maghiwalay-ng-ka-live-in
https://bandera.inquirer.net/282048/male-celeb-lumayas-na-sa-pinas-matapos-mawalan-ng-raket-sa-showbiz
https://bandera.inquirer.net/297740/male-celeb-ibinuking-ang-milyun-milyong-utang-ng-tumatakbong-politiko