Kim Domingo umaming tumaba: Minsan kasi wala rin akong disiplina sa food!

kim domingo

“WALA talaga akong disiplina sa food!” Iyan ang inamin ng Kapuso sexy actress na si Kim Domingo kaya mabilis din daw siyang mag-gain ng weight.

Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon na siyang mag-diet nitong mga nakaraang buwan at talagang kinarir niya ang pagdidisiplina sa sarili pagdating sa paglafang.

Ayon sa Kapuso star, bahagi rin daw ito ng kanyang paghahanda para sa role niya sa upcoming Kapuso series na “Start-Up Ph” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Alden Richards.

Gagampanan ni Kim sa Pinoy version ng hit Korean series na “Start-Up” ang karakter na Stephanie Rios, isang rich, intelligent at sosyal na lawyer at designer.

Kuwento ng aktres sa panayam ng GMA, nagsimula siyang mag-diet nito lamang buwan ng Mayo at in fairness, nakikita na raw niya ang magandang resulta nito.

“Napansin ko na nag-gain ako nang sobra and para mas fit din sa akin ‘yung role na Stephanie sa Start-Up Ph. Nag-start ako mag-diet this May. I’m happy na two weeks pa lang nakita ko na ang result,” pagbabahagi ng dalaga.


Bahagi ng kanyang diet ay ang hindi na pagkain ng kanin, “No rice diet. Instead of regular rice, cauliflower rice kinakain ko, then iwas talaga sa sweets, green tea every after meal.”

Sey ni Kim, bumaba na raw ang timbang niya, ang dati niyang 63 kg na timbang ay naging 58 kg na lang. Pagkain pa lang daw ang binabawasan niya pero eventually ay sasabak na rin siya sa workout.

“Itong diet ko now food pa lang. Hindi pa ako nakakapag-workout ulit but plano ko din ulit mag-workout,” aniya.

Pag-amin pa ng aktres sa kanyang weightloss journey, “Magana talaga akong kumain. Kapag wala ako paghahandaan, funny pero wala talaga ako disiplina sa food.

“But kung need ko talaga mag-diet, nandoon ‘yung disiplina ko. So mahirap for me dahil mag-a-adjust ka talaga.

“Before hindi ko kino-control yung kinakain ko, but now kontrolado talaga. Minsan natatakam ako kumain ng mga bawal pero dahil kailangan ko siyang gawin, pigil talaga,” pahayag ng dalaga.

In fairness, marami na rin daw ang nakakapansin na lumiit na siya ngayon kumpara nitong mga nakaraang linggo.

“I am very happy sa result. Happy din ako sa comments ng iba. Nagustuhan nila yung pagkapayat ko now. Tamang-tama lang daw siya.

“I think okay na ako sa ganitong weight, i-maintain ko na lang. I don’t like din na super payat ako.

“Nagawa ko na siya before, hindi din nagustuhan ng family and friends ko. For me na-achieve ko na ‘yung goal weight ko ngayon,” chika ni Kim Domingo.

Isa sa mga fitspiration ng dalaga para sa pag-achieve ng kanyang ideal weight ay ang Hollywood singer-actress na si Jennifer Lopez.

“At 52 nakaka-amaze na na-maintain niya ‘yung body nya. Kahit fit sya, nandoon pa din ‘yung curves niya. Super sexy niya,” papuri ni Kim kay JLo.

https://bandera.inquirer.net/291881/kim-domingo-tinamaan-na-rin-ng-covid-19-iyak-nang-iyak-nang-matanggal-sa-serye-ni-jennylyn
https://bandera.inquirer.net/303967/andi-eigenmann-ibinahagi-ang-naging-weight-loss-journey

https://bandera.inquirer.net/300521/yassi-pressman-rumesbak-sa-body-shamers-umaming-tumaba-love-yourself

Read more...