Payo ng doktor kay Kitkat sa ika-7 buwan ng pagbubuntis: Pinagse-sex kami kaso takot ako!

Kitkat at Waldy Fabia

HINDI kami nakarating sa baby shower para sa anak ni Kitkat Favia na si Uno Usher na ginanap sa Fernwoods Garden nitong Linggo.

Kaya naman inabangan na lang namin ang mga larawang ipo-post niya sa kanyang social media accounts.

Unang ibinahagi ng komedyana ay ang solo picture niya sa pinaka-stage ng party na may iba’t ibang shades ng pink ng balloons tulad ng light pink, fuschia at canyon sunset.

Ang caption ni Kitkat sa kanyang Instagram post, “1st own picture sa fone… heheheh. My Baby Shower today … kakatapos lang kaya medyo tired na… flooding ng baby shower ko sa mga susunod na posts hehehe pagbigyan n’yo na ang buntis.

“All i can say is… nag manifest and name ni Uno Asher (meaning Blessed, Lucky and Happy) today… super happy… thank u to all Ninongs and Ninangs and All the Guests na um-attend sa napaka special day namin ng 1st baby ko (praying hands emoji). Maraming salamat po.”

Sumunod ay ang larawan nina Kitkat at asawang si Walby Favia na kitang-kita kung gaano sila kasaya para sa nalalapit na paglabas ng kanilang panganay na ilang taon din nilang ipinagdasal.


Ang caption ng singer-actress, “The super happy parents of Baby Girl Uno Asher …. Super thankful and blessed… tsaka na ang speech ah pagod na si buntis hehehe.

“THANK YOU TO ALL THE NINANGS AND NINONGS, TO ALL THE GUESTS WHO CAME, FOR ALL YOUR GIFTS, TO ALL THE SUPPLIERS AND SPONSORS! I love you all! I will post lahat pag nakuha na official photos from @niceprintphoto and videos from @wallygonzalesphotography,” aniya pa.

At siyempre isa-isa ring ipinost ni Kitkat ang mga larawan ng mga nag-sponsor sa kanyang food cart.

“Thank u to all the food and drink carts and to all the giveaways para sa Baby Shower namin ni Uno Asher… standby for more paglabas ng official photos.”

Samantala, bago pa naganap ang baby shower ni Baby Uno Usher ay nagkukuwento na si Kitkat kung gaano sila kasaya ni Walby dahil dininig na nga ang kanilang mga panalangin.

At aliw na aliw kami sa mga ipinadala niyang larawan sa messenger na kahit malaki na ang tummy ay panay pa rin ang TikTok at mega-swimming pa sa beach kasama ang buong pamilya.

Minamanas daw kasi siya kaya payo ng OB gyne niya na gumalaw-galaw at kailangan din daw nilang magsiping kahit buntis na.

“Hahahaha! Koreks jitim ko ‘ma. Pinagbi-beach baby moon ako galaw-galaw, sayaw-sayaw kasi nga manas ko na hahaha. pinagsesex din kami kaso takot ako,” sabi ni Kitkat.

Ikapitong buwan na ni Kitkat ngayong Mayo at pinadalhan din niya kami ng larawan ni Baby Uno Usher na kuha sa ultrasound na mababanaag na ang gandang bata at super tangos ng ilong.

Anyway para kay Kitkat at kay Baby Uno Usher, praying for a safe and healthy delivery for both of you.

https://bandera.inquirer.net/282254/kitkat-bagay-maging-co-host-sa-its-showtime

https://bandera.inquirer.net/279709/kitkat-nakipagsagutan-sa-basher-ako-na-pinagmumura-pinagduduro-ako-pa-may-attitude
https://bandera.inquirer.net/285447/bakit-ilang-beses-nang-nagparetoke-ng-ilong-at-boobs-si-kitkat

Read more...