Banat ni Alex sa nang-asar nang malaglag ang baby niya: Masarap gumawa nang gumawa kaya teka gagawa ulit kami ni Mikee, wait…

Alex Gonzaga

COOL na cool lang na binuweltahan ng TV host-actress at vlogger na si Alex Gonzaga ang isang basher na nang-okray sa pagkalaglag ng ipinagbubuntis niya last year.

Marespetong sinagot ng sisteraka ni Toni Gonzaga ang netizen na wala na yatang magawa sa buhay kaya naman pati ang pagkawala ng baby sa sinupupunan niya noon ay pinagtawanan nito.

Binuhay ng nasabing basher ang ibinalita ni Alex noong October, 2021 sa pamamagitan ng social media na nakunan siya sa unang baby sana nila ng asawang si Mikee Morada.

Ito yung lumang tweet na ipinost ni Alex about her misccariage na nilakipan pa ng basher ng litrato ng aktres habang umiiyak, pati na ng pregnancy test, at ang photo ng paghalik ni Mikee sa tiyan ng aktres.

Ang caption ng netizen sa nasabing photo collage na may halong pang-aasar ay, “Aww nalaglag.”

Hindi ito pinalampas ni Alex at sinabihan ang netizen na tanggap na nila ni Mikee ang nangyari at naka-move on na rin sila sa pagkawala ng kanilang anak. Hirit pa niya, tuluy-tuloy lang ang  paggawa nila ni Mikee ng baby.

“Ah eh….Marunong kasi kami tumanggap at magmove on mag-asawa kaya nga nashare na rin sa public para makahelp din sa iba.

“But gets kung san mo tingin ‘mahuhurt’ ako suportahan taka.

“At masarap ang gumawa ng gumawa kaya teka gagawa ulit kami wait,” ang tila pang-asar ding reply ni Alex.


Ipinost din ni Alex sa kanyang Facebook page ang screenshot ng kanyang tweet at nilagyan ng caption na, “Happy sunday netizens! Gawa lang nang gawa ang mahalaga natanggap at marunong magmove on. Pracitice makes perfect di ba?”

In-upload din niya ito sa kanyang Instagram Stories na may mensaheng, “Acceptance and MOVE ON lang tayo mga siss.”

Nang balikan namin ang tweet ng netizen kay Alex ay burado na ito.

Sa isang IG post ni Alex noong October, 2021, nabanggit niya na hindi natuloy ang kanyang  pagbubuntis dahil sa anembryonic pregnancy (blighted ovum).

Ang blighted ovum o anembryonic pregnancy ay isang kundisyon kung saan ang fertilized egg ay naka-attach sa uterine wall ngunit hindi nag-develop ang embryo nito.

“Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum).

“Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course. So we had to wait for awhile for the pregnancy to finally end before we can tell our story. The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying.

“Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday (Oct12), the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy,” ang pahayag ni Alex matapos makunan.

https://bandera.inquirer.net/296230/if-ever-ma-bless-ulit-na-mabuntis-we-might-not-tell-you-right-away-netizens

https://bandera.inquirer.net/295699/alex-nakunan-to-our-baby-thank-you-for-giving-mommy-and-daddy-joy-even-for-a-short-span

https://bandera.inquirer.net/314270/ivana-alawi-hindi-totoong-ayaw-nang-gumawa-ng-teleserye-sa-abs-cbn-dahil-milyones-na-ang-kinikita-sa-youtube

Read more...