KNOWS n’yo ba na naisip na rin ng Kapamilya young actress na si Loisa Andalio na iwan ang mundo ng showbiz dahil sa kawalan ng trabaho noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Talagang nawawalan na raw siya ng pag-asa nu’ng panahon na yun dahil bukod nga sa pagsasara ng ABS-CBN ay nagkaroon pa ng pandemya.
Kaya naman para sa dalaga, isang napakalaking blessing ang bagong project nila ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte sa Kapamilya Network, ang “Love In 40 Days” kung saan gaganap siya bilang isang kaluluwang hindi matahimik.
“After two years, sobrang nakakakaba, pressure kasi finally ipapalabas na po ang ‘Love In 40 Days na talaga namang mixed emotion ang nararamdaman ko. Masaya, excited, and sobrang kinakabahan po,” pahayag ni Loisa.
Feeling thankful and blessed daw ang dalaga dahil makalipas nga ang halos tatlong taon ay may bonggang teleserye na sila ni Ronnie.
“Actually noong pandemic, pasuko na ako, ayoko nang mag-artista ‘yung ganu’n. Kasi, parang nawala na ako ng hope, na parang feeling ko wala nang nagmamahal sa akin, ‘yung ganun noong pandemic, ganu’n.
“Pero sobrang happy ko noong ibinigay sa amin ‘tong Love in 40 days. Doon ko na feel na mahal ko pala talaga ‘tong ginagawa ko dahil na rin sa tulong ng mga seasoned actors na kasama namin and directors. Sobrang thankful ko rin kasi hindi nila ako pinabayaan,” sey pa ng Kapamilya actress.
Aniya pa, malaking challenge rin sa kanya bilang breadwinner ng pamilya ang pagsasara ng ABS-CBN matapos pagdamutan ng bagong prangkisa.
“Hirap e, kasi pandemic. Nagsara ‘yung ABS-CBN, wala kang source of income para sa family mo financially. May pinag-aaaral ako college and high school ganyan.
“Hindi ko kayang ipakita sa kanila na wala nang work, wala ng ganyan, so talagang parang ako ‘yung tatay at nanay ng pamilya and hindi ko kailangan ipakita sa kanila na parang nahihirapan ako, parang wala na.
“Sila rin ‘yung nagbigay sa akin ng lakas ng loob parang wala na. Kasi, kung iisipin ko lang na andito ako para sa sarili ko, nag-artista ako para sa sarili ko, walang mangyayari.
“Pero ito, ginagawa ko para sa family ko, para sa mga fans na naniniwala talaga rin sa akin,” pahayag ni Loisa.
Pati raw ang kanyang negosyo na pinatatakbo ng kanyang ina ay nagsara na rin dahil nga sa pandemic, “Wala na ‘yung LoiSalon ko kasi noong pandemic, isa pa ‘yun. Sobrang stressed talagang ‘yung mga business namin nag close, kaya mahirap.
“Talagang challenging ang pandemic para sa akin ‘yun ‘yung umabot sa point na alam mo ‘yung namayat ako ‘yung sobrang payat ko.
“Lately ko lang na-realize na depression pala ‘yun kaya pala pumayat ako ng ganu’n kaya thank you sa lahat ng sumusuporta sa akin, ayan sila talaga ang lakas ko,” pahayag ng dalaga.
Inamin din niya na bukod sa pamilya, humuhugot din siya ng lakas kay Ronnie, “Actually same situation din lang kami as in mahirap, mahirap po talaga pero suwerte ako, suwerte si Ronnie, nandito kami sa isa’t isa para mag-guide magpalakas ng loob. Kasi sabi ko nag kung wala si Ronnie, baka talagang hindi ko kakayanin.”
Napapanood na ngayon sa iWant TFC, TV5 at iba pang platform ng ABS-CBN ang “Love In 40 Days” na mula sa Dreamscape Entertainment.
https://bandera.inquirer.net/314006/ayaw-pa-naming-isipin-ni-ronnie-yung-tungkol-sa-engagement-kasi-ang-babata-pa-po-namin
https://bandera.inquirer.net/314299/wala-na-kaming-paki-ni-loisa-sa-sinasabi-ng-ibang-tao-sa-amin-basta-masaya-kaming-dalawa
https://bandera.inquirer.net/313909/loisa-ronnie-ready-na-nga-bang-dalhin-sa-next-level-ang-relasyon