IBINANDERA ni Binibining Pilipinas International Hannah Arnold ang mga taglay niyang katangian kung bakit deserving siyang manalo bilang Miss International 2022.
Si Hannah ang magiging representative ng Pilipinas sa gaganaping grand coronation night para sa Miss International 2022 pageant sa Tokyo, Japan na naka-schedule sa darating na December.
Ayon sa Pinay beauty queen, ang dapat makakuha ng korona at titulo ay ang kandidatang “present — both physically and online — to the needs of the community.”
Sa panayam kay Hannah ni Miss International director Stephen Diaz para sa “MI Live” series na napanood nitong Huwebes sa social media accounts ng nasabing pageant, sinagot niya ang ilang tanong ng netizens.
Isa na nga riyan ang tanong kung bakit deserving siyang makuha ang titulo. Sagot ni Hannah, “I do believe that the girl who deserves to be the next Miss International is someone that will really use her platform well, not only online but also in the community.
“She will go out and listen to what the needs are of everyone. And she will really uphold the values of the organization and, most importantly, focus on the sustainable development goals,” paliwanag ng dalaga.
Dagdag pa niyang paliwanag, “She is someone who represents cultures from all around the international stage, and she is someone who is very respectful and loves Japan. And I am definitely that girl.”
Sa nasabi ring panayam, nabanggit ng dalaga na excited na rin siyang magpunta sa Tokyo kung saan nga gaganapin ang Miss International pageant sa Dec. 13 2022.
Kasabay nito ang kanyang panalangin at hiling na sana’y makita ng Miss International Organization at ng mga magiging hurado sa pageant ang mga katangian niya bilang beauty queen.
“I’m just hoping that come this December, or when the delegates do arrive in Miss International, that the organization will also see my love and genuine desire to be the next Miss International,” pahayag ni Hannah.
Kung papalarin, si Hannah ang magiging ikapitong Miss International na Pinay. Ang anim na nakapag-uwi ng nasabing korona ay sina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Santiago (2013), at Kylie Verszosa (2016).
https://bandera.inquirer.net/312823/miss-world-ph-2022-wala-nang-atrasan-hannah-arnold-tuloy-na-ang-laban-sa-miss-international
https://bandera.inquirer.net/288080/hannah-arnold-ng-masbate-waging-bb-pilipinas-international-2021-3-pang-kandidata-nag-uwi-ng-korona
https://bandera.inquirer.net/288961/bakit-na-challenge-si-2021-bb-pilipinas-international-hannah-arnold-sa-swimsuit-competition