Kathryn super maalagang kaibigan, mahilig magpadala ng pagkain: Gusto kong ma-feel nila na nandiyan lang ako for them

Kathryn Bernardo at Min Bernardo

IILAN lang ang maituturing na tunay at tapat na kaibigan ng Box-Office Queen at award-winning actress na si Kathryn Bernardo.

Kaya naman talagang tine-treasure niya ang bawat isa sa mga ito. Hangga’t kaya niya ay nag-e-effort ang Kapamilya young actress para maiparamdam sa mga BFF niya ang kanyang pagmamahal at malasakit.

Halos iisa ang sinasabi ng lahat ng nakakakilala kay Kath – isa siyang maalaga at super sweet na kaibigan. Para sa dalaga, mahalaga na maiparamdam niya sa kanyang mga mahal sa buhay ang tunay niyang nararamdaman.

“I have a very small circle of friends, but that’s my core. I make time for them kasi busy din ako kaya nasa akin talaga kung paano ko ime-maintain ‘yung friendship. So during my free time, I make sure na maramdaman nila that I am there for them.

“Ako yung type of friend na mahilig mag-video call instead of text. Gusto ko kasi nakikita ko yung kausap ko para feeling ko magkaharap lang tayo na nagchichikahan,” pahayag ni Kath habang naka-lock in taping para sa kanyang bagong TV series na “2 Good 2 Be True” katambal ang kanyang reel and real life boyfriend na si Daniel Padilla.


Dagdag pa ng girlfriend ni Daniel, “Sometimes it’s the little things, like kung kailangan mo ako, or kahit ayaw mo pero feeling ko kailangan mo ako, I would go to you, ganoon ako.”

Isa naman sa mga care languages ni Kath ay ang pagsosorpresa sa pamamagitan ng pagpapadala ng pagkain, “Kasi iniisip ko parati, ganoon din ako. I like yung feeling na inaalagaan and may nagke-care, so ‘yun ‘yung ginagawa ko.”

Bukod sa pag-aalaga ng mga malalapit na kaibigan ay advocate din si Kath ng tinatawag na self-care dahil alam niyang kailangan niya ito upang patuloy na maalagaan ang mga mahal niya sa buhay.

“First thing in the morning, I workout. Feeling ko naha-happy ako after and that’s a good way to start my day. Gusto ko ring pina-pamper ang sarili ko by getting my nails done or magpa-facial. Gustung-gusto ko ang me-time,” chika ng dalaga.

Humihingi din si Kath ng free days from work lalo na kung sa tingin niya ay sunod-sunod na araw na siyang nagtatrabaho. Aniya, mahalaga na maging balanse ang buhay at isang paraan ay ang makasama niya ang mga taong mahalaga sa kanya.

“I like to be spontaneous. Kung feel ko biglang mag-out-of-town, ite-text ko yung mga kaibigan ko na ‘overnight tayo’ or tambay lang sa bahay and then may pupunta du’n na mga kaibigan. Nakaka-recharge na ‘yun for me,” sabi pa ni Kathryn.

Sa mga pagkakataon naman na tinatamaan si Kath ng sakit na dala ng pagod, puyat at stress, ang kanyang mommy ang lagi niyang takbuhan.

“Clingy ako kapag may sakit. Gusto ko yung feeling na may nag-aalaga. Tapos request ko parati sopas, yung maraming butter, ‘yung kulay yellow na ‘yung sabaw sa dami ng butter.

“And kung kailangan, inuman din talaga ng medicine. Tapos mafi-feel mo na na pinapawisan ka and you’re getting better,” kuwento pa niya.

Samantala, feeling blessed din ang dalaga sa bagong development sa kanyang showbiz career, ito ang  pagiging health ambassador ng Biogesic.

“Walang reason to say no to this blessing kasi it is such an honor to be part of the brand,” chika ni Kath.

Si Kath ang bagong personalidad sa Biogesic family kasama ang seasoned actress na si Jodi Sta. Maria na pitong taon ng brand ambassador. Bago nito, ang aktor na si John Lloyd Cruz ang endorser, kung saan tumatak ang kanyang iconic na “ingat” salute.

Sey ni Kathryn, “Super fan ako ni John Lloyd and growing up napapanood ko ‘yung commercial niya na sobrang identified sa kanya. Ngayon, part na rin ako ng kanilang family and it’s really one of my biggest blessings.”

Brand recall aside, talagang napakadali para kay Kath na tanggapin ang bago niyang role bilang health advocate.

“Gaya ng maraming pamilyang Pilipino, lumaki ako na may Biogesic sa bahay namin. Hindi kami pwedeng mawalan dahil ‘yan ang lagi naming iniinom para sa lagnat at sakit ng ulo. Noong bata pa ako, liquid pa muna. Noong lumaki na kami, tablet naman.

“It’s good to be ready especially sa mga panahon na ito na bawal tayong magkasakit. Ito din ‘yung way ko to protect my loved ones, I like to keep myself healthy to keep them healthy,” dagdag pa ng dalaga.

https://bandera.inquirer.net/312772/kathryn-daniel-ibinandera-ang-isang-dekadang-relasyon-aamin-na-ba-kung-anong-sikreto

https://bandera.inquirer.net/311240/loyal-kathniel-fans-na-may-mga-trabaho-at-anak-na-nag-sorry-kina-kathryn-at-daniel-bakit-kaya

https://bandera.inquirer.net/313356/daniel-kathryn-may-hugot-sa-lock-in-taping-kapag-paulit-ulit-na-yung-ginagawa-mo-parang-nakakapagod-din

Read more...