Lovi Poe dalawang mahal sa buhay ang ipinagluluksa, bukod kay Susan Roces pumanaw na rin ang ‘first baby’

Lovi Poe at Chibby

BUKOD sa pagluluksa sa pagpanaw ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, nadagdagan pa ang nararamdamang kalungkutan ni Lovi Poe.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang mga tagasuporta at social media followers na namatay na rin ang kauna-una niyang pet dog na si Chibby.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapamilya actress ang ilang litrato nila ng tinawag niyang “first baby” na si Chibby, isang Shih Tzu.

Sabi ng leading lady ni Piolo Pascual sa Pinoy remake ng hit Korean series na “Flower of Evil” super mami-miss niya talaga ang kanyang alaga na nakasama niya nang mahabang panahon.

“My heart is broken. Oh Chibby, my first baby. Why did you leave us so abruptly?

“They say, we don’t choose our dogs, but they choose us. I remember seeing her across the street with no intention of getting a dog and before you know it, I was using my first paycheck from my first TV show so I can take her home. I instantly fell in love with her,” mensahe ni Lovi kay Chibby.


Emosyonal pang sabi ni Lovi, napakarami na nilang pinagsamahan ng namayapa niyang aso na naging sanhi ng ilang mahahalagang kaganapan sa kanyang buhay.

“We kind of grew up together, and I didn’t think I was going to have to say goodbye to another one of my fur babies,” aniya pa na ang tinutukoy ay isa pa niyang pet dog na si Seth na isa ring Shih Tzu.

“I hope you’re playing with Seth in heaven,” mensahe pa ng aktres kasabay ng paalala sa iba pang fur parents, “Please hug your pets a little tighter today.”

Bukod pa kina Chibby at Seth, may isa pang alagang aso si Lovi, ang super cute na Maltese na si Señor.


Nauna rito, nag-post naman ang Kapamilya star sa Instagram ng kanyang mensahe para sa namayapang kabiyak ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr., na si Susan Roces.

Siya ay anak ni FPJ sa dating actress-model at beauty queen na si Rowena Moran.

“I write this post with a heavy heart. We’ve truly lost a gem and one of the beloved pillars in the industry. My love and prayers to Ate Grace and the whole family,” ang caption ni Lovi sa ipinost niyang throwback photo ng movie queen sa IG.

Ngayong araw na ihahatid sa kanyang huling hantungan si Susan Roces sa Manila North Cemetery. Ililibing siya sa tabi ng puntod ni FPJ.

Lovi Poe nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni Susan Roces

Puntod ni Susan Roces sa Manila North Cemetery tinapos ng 3 araw; Bongbong Marcos nakiramay sa pamilya ni Grace Poe

Paalala ni Susan kay Coco: Hindi importante ang pagsasalita ng Ingles, ang mahalaga ay marunong kang humarap sa tao na may dignidad

Read more...