Janno Gibbs sinupalpal ang basher: I guess that’s how far your vocabulary goes

Janno Gibbs sinupalpal ang basher: I guess that's how far your vocabulary goes

HINDI pa rin tinatantanan ng mga bashers ang singer-actor na si Janno Gibbs ng mga bashers na tila hindi maka-move on sa nagdaang eleksyon.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ng singer-actor ang screenshot ng comment ng isang netizen sa kanyang post noong May 9 kung saan nakiusap siya sa madlang pipol na hayaang magluksa ang mga Pilipino na bumoto at tumindig para kay Leni Robredo.

Kitang-kitang kasi agad ang lamang ni president-elect Bongbong Marcos kay Robredo ilang oras matapos ang eleksyon.

“Sino man ang hiranging wagi sa halalan. Taas noo at hanga sa nasaksihan. Isang bayang namulat, walang takot nanindigan. Sa ngalan ng malayang kinabukasan, sapat nang maitala sa aklat ng tadhana, na minsa’y pinaglaban ay pumanig sa tama,” gawang tula ni Janno na ipinost niya noong araw ng halalan.

Dagdag post pa nito, “Sabi nyo ‘wag nang bitter’. Tanggapin na lang na talo na. Move on na. Nung marali si BBM as VP, nag-move on ba? Tinanggap ba n’yo? Hindi.

“Nagprotesta at nagpa-recount ng 3x. Talo pa rin. So hayaan n’yo kaming maging bitter. Kung nabaliktad ang resulta, pihado bitter rin kayo. Let us grieve,” sey ni Janno sa post niya noong May 10.

At makalipas nga ng mahigit dalawang linggo ay tila ayaw pa ring umusad ng mga bashers at pilit pa rin siyang iniimbyerna.

“I was done posting political views..but you keep coming back for more,” saad ni Janno kalakip ang screenshot ng mga comments ng netizen na may username na @dekkieboy7.

Saad ng basher sa kanyang post, “Tell that to the pinklawang t@£ last 2016, when Lening lutang won by the skin of her teeth. How hervtrolls said, ‘Move on. Huwag nang bitter at tanggapin na lang na talo na’…

“Now BBM won not just by the skin of her teeth but winning by landslide, even if you multiply the votes of Lening Lutang by 2, still she loses… Now you are telling us to ‘Let us grieve’, no f*cking way… let us celebrate ul*l.”

 

 

Agad namang sinagot ni Janno ang netizen.

“Remember when I posted this on May 9? It’s now May 25 and I’ve since moved on. Have you?” reply ng aktor.

“FYI: You’re candidate begged for a recount 3x. Ours did not, this time. Skin of her teeth or landslide, a win is a win, a loss is a loss. We have no petition or rallies for recount. You’ve finally won! But here you are still bitchin’. So who thr f*ck is bitter?” pagpapatuloy ni Janno.

Pinuna rin nito ang mga ibinansag ng netizen sa outgoing vice president ng bansa.

“Also, tae and lutang are malicious, unjustified adjectives. Magnanakaw on the other hand is backed by legal data. I was impressed by your English! But you ended up with ul*l! I guess that’s how far your vocabulary goes,” hirit pa ni Janno.

Samantala, kanina lamang ay iprinoklama na bilang presidente si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pati ang running mate nitong si Sara Duterte-Carpio bilang bise presidente ng Pilipinas.

 

Related Chika:
Direk Frasco sa mga basher ni Bea: ‘Bakit ang daming bitter?’

Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

Read more...