Direk Frasco sa mga basher ni Bea: ‘Bakit ang daming bitter?’
Ipinagtanggol ni Direk Frasco Mortiz si Bea Alonzo sa bashers dahil sa paglipat nito sa GMA 7.
Si Direk Frasco ay nasa Kapuso network na rin at siya ang direktor ng Bubble Gang, ang longest running gag show ng network.
Galing ng ABS-CBN si Direk Frasco at siya ang direktor ng Goin Bulilit at isa siya sa apektado sa pagsara ng network dahil hindi nabigyan ng bagong prangkisa.
Tweet ni direk Frasco nitong Hulyo 1, “Ba’t ang daming bitter? Basta ako, I’m happy for Bea Alonzo. #ProudToBEAKapuso.
“Ang dami-daming dapat problemahin inuuna pa ang network wars. 20 years ago pa nauso yan, ibahin niyo na ngayon. Imbes na manghila pababa, matuwa na lang sa bagong karera ng mga idolo niyo, mapa-Kapamilya, Kapuso o Kapatid pa yan.”
Sinundan pa nitong Hulyo 2, “The least you can do is be happy and wish a former Kapamilya the best. Sobrang liit ng industry para maghilahan pababa, lalo na sa panahon ngayon.
“Yep, dun po ako galing, worked there for almost 20 years. Ikaw ba pag nagtrabaho ka sa isang kompanya, tapos pag-alis mo ang maririnig mo is “walang loyalty”, “walang utang na loob” matutuwa ka? We served wholeheartedly, we gave our all.”
Maraming nag-retweet at nag-like sa mga tweet na ito ni Direk Frasco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.