Mukha ni Herlene Budol bumalandra sa Bb. Pilipinas 2022 exhibit: Tumaas ang balahibo ko at proud ako sa sarili ko

Herlene Budol

SHOOKT at feeling proud ang Kapuso comedienne na si Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” nang makita ang kanyang litrato sa isang exhibit bilang bahagi ng Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Masayang ibinahagi ng dalaga sa kanyang social media followers ang naramdaman nang bumalandra ang official photo niya sa Binibining Pilipinas exhibit sa Gateway Araneta.

Sa Instagram, ni-repost ng “False Positive” star ang nasabing litrato na may caption na, “Yung makita ko mukha ko ay nakabalandra sa exhibit ng Gateway Araneta

“Tumaas balahibo ko at proud ako sa sarili ko dahil nakahelera ako sa #BinibiniSisterhood ng batch ko,” sey ng candidate no. 8 sa caption ng kanyang IG post.

Sey pa ng dalaga, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na natupad na ang pangarap niya na makasali sa isang national pageant.

“And wearing my sash Angono Rizal, it’s like kasama ko buong bayan ng Angono at mga Angoneño / Angonians sa prestihiyosong patimpalak na sinalihan ko, Binibining Pilipinas,” mensahe pa ng dating co-host ni Willie Revillame sa “Wowowin.”

Muli rin niyang pinasalamatan ang kanyang manager at itinuturing na mentor na si Wilbert Tolentino na siyang nag-push sa kanya para sumali sa Binibining Pilipinas.


“Pangako di ko sasayangin ang opportunidad na linaan mo para sa aking pamilya,” ang pahayag pa ni Herlene.

Nauna rito, nag-post din ang komedyana tungkol sa kanyang number sa pageant na aniya’y suwerte raw sa feng shui.

Sey ni Herlene sa kanyang Instagram post, “Wow! swerte sa Chinese ang number 8.

“Ang kahalagahan ng number 8 ay indi dapat palampasin. Professionalism, material freedom, kasaganaan and self-confidence ay nauugnay daw sa number 8 ng numerology. Isn’t it amazing!” aniya pa.

Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Read more...