“SHE was healthy, so we really didn’t expect it…we were devastated,” ang bahagi ng pamamaalam ng veteran actor na si Jaime Fabregas para sa yumaong movie queen na si Susan Roces.
Pumanaw ang aktres sa edad na 80 dahil sa cardiopulmonary arrest, ayon sa nag-iisang anak nila ni Da King Fernando Poe, Jr. na si Sen. Grace Poe.
Matagal na nagkasama ang dalawang veteran stars sa Kapamilya action-drama series na “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Kuwento ng magaling na character actor, wala pang kabalak-balak na mag-retire sa pag-arte ang beteranang aktres kahit pa hindi na niya kailangan pang magtrabaho dahil sa estado ng kanyang buhay ngayon.
Isa si Jaime Fabregas sa cast members ng “Ang Probinsyano” na nagbigay ng tribute kay Susan Roces sa lamay nito nitong nagdaang Linggo, May 22.
“Noong nabalitaan namin na pumanaw si Tita Susan, lahat kami nabigla, because we had no inkling. Aside from a problem with the back, she was healthy, so we really didn’t expect it…we were devastated,” simulang pahayag ng aktor.
Ibinahagi rin niya ang mga huling pag-uusap nila ng kaibigan na kung tawagin niya ay “Tita Su.” Ito raw yung mga panahong nag-resume na ang taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” under the new normal kung saan kinukunan ang mga eksena ni Susan sa ibang lugar.
“She said, ‘Kinausap ako ni Grace.’ Sabi niya, ‘Bakit ka pa nagti-taping, mom? Hindi mo na kailangan. Bakit ka pa nagtatrabaho?’
“Ang sabi niya sa akin, ‘Ano naman ang gagawin ko, Jaime? Magmumukmok sa bahay?’ ‘Itong trabaho na ‘to,’ sabi niya, ‘ang nagbigay sa akin ng maraming kabutihan,’” sabi pa ng aktor.
“Sabi pa niya, ‘Dito sa trabahong ito, nakilala ko si Ronnie (FPJ). Hindi ito trabaho na puwede mo lang tapusin nang ganu’n. Habang may lakas ako, ipagpapatuloy ko ang aking trabaho,’” ang kuwento pa ni Jaime Fabregas.
Pagpapatuloy pa ng beteranong aktor na kilala rin bilang magaling na komedyante, “What I saw here was a person who loved her work so much that she was not willing to give it up. And she loved the people who she worked with.”
Mahilig din daw magbigay ng “pasalubong” si Susan sa cast and crew ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na mahigit anim na taon nang umeere sa ABS-CBN.
“Everybody gets it. Walang pinipili. She treated everyone the same way, whether Coco Martin ka na big star ka, o utility ka man. She treated everybody the same way.
“That is something I admire in her. I remember, Mr. Poe was also like that. I am so proud to have been given the opportunity to work with the King and the Queen of Philippine Cinema.
“She will be missed. As we all miss Mr. Poe, she will be greatly missed. It will be very difficult to have another Susan Roces again in our lives,” aniya pa.
“Tita Su, although we will miss you, we say Godspeed. Rest in God’s eternal peace. And before you know it, we will probably see each other again. Thank you, Tita Su, for the love,” ang panghuling mensahe pa ni Jaime Fabregas kay Susan Roces.
https://bandera.inquirer.net/314062/payo-ni-susan-kay-coco-hindi-importante-ang-pagingles-ang-mahalaga-ay-marunong-kang-humarap-sa-tao-na-may-dignidad
https://bandera.inquirer.net/313858/susan-roces-pumanaw-na-buong-showbiz-industry-nagluluksa
https://bandera.inquirer.net/313982/erap-ate-vi-maricel-lorna-ai-ai-wasak-ang-puso-dahil-sa-pagpanaw-ni-susan-roces-maraming-salamat-we-will-miss-you