Cara Gonzales sa love scenes nila ni Zanjoe: Naglinis kami ng katawan, nag-usap kami kung ano ang mga bawal hawakan

Cara Gonzales, Zanjoe Marudo at Kylie Verzosa

NAGUSTUHAN namin ang ipinakitang akting ni Cara Gonzales sa pelikulang “Ikaw Lang Ang Mahal” kasama sina Zanjoe Marudo at Kylie Verzosa.

Napakalaki ng pagbabago sa kanyang pag-arte kumpara noong una namin siyang napanood sa kanyang previous movies.

Sa kuwento ng “Ikaw Lang Ang Mahal” siya ang unang nakilala ng karakter ni Zanjoe pag-akyat nito sa Sagada at may nangyari na agad sa unang gabi palang nilang pagkikita.

Hanggang sa nasundan pa nga ito  ng ilang beses kaya inakala ni Cara na mahal siya ng dayuhang dokumentarista pero hindi pala dahil na-in love nga ito sa karakter ni Kylie.

Maraming nagkagusto kay Cara sa karakter niya bilang struggling director na mayabang at para sa amin ay bumagay sa kanya ang karakter na diretsong magsalita at may pagkabarubal kaya siguro naaliw kami. At iba rin ang angas niya pagdating sa love scene nila ni Zanjoe.

Kaya naman pinuri siya nang husto sa nakaraang private screening ng pelikula kamakailan.


“Sobrang nagpapasalamat ako at malaking tulong sa akin ‘yung mga veteran actors na bata palang ako ay napapanood ko na. Tapos hindi sila nagkulang ng pagpapaalala sa akin, ina-advisan nila ako,” nakangiting pahayag ni Cara.

Ang mga veteran stars na kasama sa pelikula ay sina Ronnie Lazaro, Lara Morena, Evangeline Pascual at Joel Torre.

Natanong din ang sexy star sa love scenes nila ni Zanjoe kung nailang ba siya dahil sa isang eksena nila ay siya pa ang tumatrabaho sa binata.

“Sobrang gentleman ni Zanjoe kasi para kaming magkapatid (natawa) tapos naiba lang sa love scene.  Kasi off-cam iba ‘yung samahan naming dalawa, nagkukulitan na parang mga bata at tinatapik (minuwestra) pa niya ulo ko, e, ang liit ko, di ba? Tapos ang tangkad niya,” paglalarawan ni Cara sa relasyon nila ng aktor.

Kapag trabaho na ay talagang seryoso na sila kaya walang ilangan sa kanilang intimate scenes dahil bago sila nagsimula ay tinanggal na niya ang pagkailang.

At ang preparation ni Cara bago kunan ang mga eksena nila ni Zanjoe, “Naglinis kami ng katawan, nag-usap kami sa mga limitations kung ano ‘yung mga bawal (hawakan) ganya, bago gawin.  ‘Yung sa nakatayo (patayong love scenes), nahirapan kami kasi hindi niya ako abot. Ha-hahaha! Nag-aabutan kami. Pero masaya naman kasi kakaibang experience.”

Anyway, thankful din si Cara dahil halos lahat ng pelikula niya sa Vivamax ay puro mahuhusay na aktor ang nakakasama niya at malaking tulong iyon para sa kanya dahil marami siyang natututunan.

“Nagpapasalamat ako sa ibinibigay sa akin (Viva) na nagpi-fit din naman sa akin ‘yung karakter ko at sana magtuluy-tuloy lang,” saad pa niya.

At isa pang ikinatuwa ng baguhang sexy star ay maganda ang billing niya sa poster ng “Ikaw Lang Ang Mahal.”

Samantala, napapanood na ang “Ikaw Lang Ang aking Mahal” sa Vivamax mula sa direksyon ni Richard Somes at produced ng Viva Films.

* * *

Humanda na at samahan ang mga kwelang jocks ng PIE o Pinoy Interactive Entertainment para sa kakaibang entertainment experience na hatid ng tradigital channel na ito na nagsimula na kahapon, Mayo 23.

Mapapanood ang PIE sa BEAM TV, Sky Cable Channel 21, PIE Website, at PIE YouTube Channel. Magiging live din ito sa GLife ng GCash app simula Mayo 28.

Samu’t saring saya at papremyong aabot sa P10 milyon ang inihanda ng PIE para sa sambahayang Pilipino sa unang tatlong buwan ng pag-ere nito.

Salubungin ang araw sa mga nakaka-inspire na kwento at positibong enerhiya tuwing ika-7 ng umaga sa PIESILOG kasama ang paborito mong “Mayora” Frances Cabatuando ng Home Buddies Facebook community.

Nandiyan din sina “Kikay” Sela Guia, “Kwelang Kuya ng Lahat” Tristan Ramirez, “Bibong Artist” Raco Ruiz, “Good Boy Charmer” Jae Miranda, at “VJ na Laging May Say” Eryka Lucas.

At habang nagla-lunch break, pasasayahin ka naman ng nakatutuwang  viral at sikat na content na dala ng BARANGAY PIE.  Makikita sa barangay na ito ang iba’t-ibang personalidad ng ordinaryong Pinoy kung saan tiyak makaka-relate ang mga manonood.

Kilalanin “Ang Tito Mong Mayor” Mayor TV, “Ang Muse ng Barangay” Abby Trinidad, “Barangay Talak-Tokerist” Ruth Paga, “Sawsawera ng Barangay” Sunshine Teodoro, “Barangay Queen Sirena” Inah Evans, “Barangay Sexy-Tary” Patsy Reyes, at “Sizt-mosa ng Barangay” Coco Cordero.

Pagdating ng alas-4 ng hapon, bibigyan ka naman ng inspirasyon ng “PIEGALINGAN,” ang tambayan ng mga galing ang panlaban.

Ang talent variety show na ito ay pangungunahan nina “G sa Lahat ng Gimik” at “Try-It” actor/streamer Ralph Malibunas, “Reynang All-Out ang Support” beauty queen/actress Sam Bernardo, at “Bidabro” at “Promotor ng Trip” actor/host Eris Aragoza.

Saan ka man naroroon sa Pilipinas, pwede ka ring maging PIENALO gamit ang iyong mobile phone.  Naglevel-up na sa PIE ang classic game show na “Pera o Bayong” na mamimigay ng mga premyo bawat oras sa mga manonood. Sa “Palong Follow,” magtutulungan naman ang PIE viewers para hanapin ang susunod na digital content creator ng bansa.

Makakasama mo sa PIENALO ang “Goal-Oriented Achiever” Eian Rances, “Ang Raketerang Breadwinner ng Visayas” Nicki Morena, “Happy-Go-Lucky Bunso ng TropPIE” Kevin Montillano, at well-loved chef at YouTube sensation Ninong Ry.

Kung isa kang “Marites,” bagay sa iyo ang PIE Night Long. Maki-join sa mga modernong kwentong Pinoy kung saan pwede kang mag-share ng iyong feelings. Sa “UZI,” ang unang interactive na teleserye sa bansa, may say din ang viewers sa magiging takbo ng bawa’t kwento.

Handa namang makinig sa kwento ng buhay mo sina  “Fun-Loving and Woke Gen Z” Aaron Maniego, “Hopeless Romantic Love Guru” Karen Bordador, at ang “Sweet and Conservative Musician” Renee Dominique.

Ang PIE ay hatid ng BEAM, 917Ventures, KROMA, at ABS-CBN.

https://bandera.inquirer.net/312391/zanjoe-mabentang-mabenta-bilang-leading-man-baka-kasi-kumonti-na-lang-yung-pagpipilian-nila

https://bandera.inquirer.net/304384/cara-gonzales-muling-napalaban-ng-hubaran-kay-diego-hindi-rin-nagpatalbog-kay-louise
https://bandera.inquirer.net/299839/nakakaloka-ang-sex-scenes-sa-palitan-ni-brillante-mendoza-4-na-bida-naghubot-hubad

Read more...