APRUB na aprub sa Kapamilya news anchor na si Karen Davila ang desisyon ni Robin Padilla na mamahinga muna sa showbiz matapos manalong senador sa nakaraang eleksyon.
Saludo ang veteran broadcast journalist sa naging desisyon ni Senator-elect Robin Padilla at sana raw ay magampanan nitong mabuti ang kanyang mga responsibilidad sa Senado.
Mismong si Binoe na ang nagsabi na ititigil muna niya ang paggawa ng pelikula para makapag-focus sa kanyang bagong tungkulin bilang first-time senator.
Sabi ni Karen sa kanyang tweet last May 20, dapat naman talagang karirin ng mga nahalal sa posisyon, lalo na ng mga senador, ang kanilang mga trabaho bilang mambabatas.
Mensahe ng ABS-CBN broadcaster: “GOOD MOVE Sen Robin Padilla (thumbs-up emoji).
“Winning showbiz candidates should stop treating the senate like a bonus or just a stature post.
“Let us demand they do the work, show up and be active. The Filipino people deserve no less (Philippine flag),” aniya pa.
Kalakip ng tweet ng news anchor ang isang headline tungkol sa pagkapanalo ng action star, “First-time senator Robin Padilla says he is leaving the showbiz industry to focus on his work as a lawmaker.”
Nakasaad sa kabuuan ng balita ang pahayag ni Robin noong ginanap ang proclamation ng 12 nanalong senador last May 18.
“Mahalaga sa akin magtrabaho na ako para pagtuunan ang mga reporma sa batas,” diin ni Robin.
“Bilang panghuling salita, gusto kong malaman ninyo na it’s late in the evening, I feel wonderful tonight,” aniya pa na hango sa lyrics ng kanta ni Eric Clapton na “Wonderful Tonight” na palagi niyang kinakanta sa kampanya.
Nauna rito sinabi rin ni Binoe na, “Ang ating pagkapanalo ay isang simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim at Kristyano. Sa loob ng matagal na panahon, halos umabot ang 30 taon. Walang Muslim na naging senador na.
“Sa aking mga pinuntahang mga sortie, rally, ako ay nakiusap sa ating mga kababayan na sana mabigyan ng pagkakataon ang inyong mga kapatid na Muslim na muling magkaroon ng representasyon sa Senado. At inyong binigyan ng pagkakataon ang inyong mga kapatid,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/301937/voltes-v-legacy-ni-mark-reyes-aprub-na-aprub-sa-toei-company-na-surprise-sila-sa-napanood-nila
https://bandera.inquirer.net/285505/john-lloyd-dennis-magsasama-sana-sa-isang-project-pero-nakansela-dahil
https://bandera.inquirer.net/313437/dawn-chang-binigyan-ng-perfect-score-sa-pagganap-bilang-madam-inutz-sa-mmk-kuhang-kuha-niya-pati-pagngiwi-ko