BUHAY na buhay ang Pop Diva na si Kuh Ledesma kaya isa na namang malaking fake news ang kumalat na balitang pumanaw na siya ngayong araw.
Kalat na kalat na ngayon sa social media ang pekeng balita na namatay na raw ang OPM icon matapos umanong atakihin sa puso.
Sa pamamagitan din ng social media, naglabas ng video ang award-winning veteran singer para patunayang hindi totoo ang kumalat na fake news.
“I’m alive. Don’t just believe in stuff like that. So, if you hear news, make sure to ask before spreading it around,” ang inilagay na caption ni Kuh sa kanyang video post.
Mensahe ng singer, “Naku naman may lumabas na fake news, ako raw ay nagkaroon ng heart attack. Teka, okay na okay ang heart ko very strong.
“Kasi si Lord ang nagpapalakas sa akin. Huwag po kayong maniniwala sa mga ganu’n. Ang Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa akin.
“Yung mga fake newsers na ‘yan, ‘yung mga gumagawa ng ganyan may balik na masama ‘yan. Huwag niyong gawin ‘yan, okay?” pahayag ni Kuh sa ginawa niyang video message.
Patuloy pa niya, “Focus on Jesus bibiyayaan ka Niya kapag gumagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa.
“Kaya huwag nating binabalikan ng masama ang gumagawa ng masama sa atin, okay? Alam ko gets niyo ‘yan. Love you, guys,” paglilinaw pa ni Kuh hinggil sa nasabing fake news.
https://bandera.inquirer.net/313933/kuh-ledesma-inatake-ng-matinding-lungkot-dahil-sa-resulta-ng-eleksyon-2022-lord-ikaw-na-ang-bahala-sa-kanila
https://bandera.inquirer.net/295474/ogie-diaz-pumalag-sa-fake-news-na-supporter-ni-marcos-si-liza
https://bandera.inquirer.net/301130/kris-ibinuking-si-angel-nagbigay-po-siya-ng-p2m-para-sa-mga-nasalanta-ng-bagyo