Payo ni Erwan Heussaff sa pagiging single ni Wil Dasovich sa edad na 30: Do crazy things…you’re still super young

Wil Dasovich at Erwan Heussaff

HUMINGI ng advice ang sikat na vlogger-influencer na si Wil Dasovich kay Erwan Heussaf kung ano na ang dapat niyang gawin sa buhay ngayong 30 years old na siya.

Tanong ng ex-boyfriend ng cosplayer at online gamer na si Alodia Gosiengfiao sa mister ni Anne Curtis, anu-ano ba dapat ang binibigyan niya ng atensyon sa edad niya ngayon lalo pa’t single na single pa rin siya.

Noong November, 2021, mismong si Alodia ang umamin sa buong universe na hiwalay na sila ni Wil, “To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times, but some things are not meant to be.”

Sa SuperHuman podcast ni Wil kung saan nakachikahan nga niya si Erwan, pinayuhan nga nito ang kaibigan tungkol sa kanyang personal life.

“You are still super young. You are still single. If you’re 30, I would say do what you’re doing now in terms of not attaching yourself anywhere and having that freedom to move around,” simulang pahayag ni Erwan.

Aniya pa, “You’re at a point in your life where you are successful so you can kind of be successful by yourself which is also something that is really special.”

Ipinagdiinan ng mister ni Anne na ito na ang tamang panahon para magpakaligaya gamit ang perang pinaghirapan niya sa ilang taong pagtatrabaho.

“You can really take advantage of your hard work that you put in and the money and go on vacations that you might necessarily not be able to do with a kid and a wife eventually.


“Do crazy things that you might not be able to be comfortable doing ever again,” payo pa ni Erwan na isa ring sikat na vlogger.

Sabi pa ni Erwan sa kaibigan, hindi raw dapat masyadong problemahin ni Wil ang pagiging single sa halip gawin niya itong motivation para mas maging productive and fun ang kanyang buhay.

“You shouldn’t put any pressure on yourself. Maybe start asking yourself questions why am I still single when you are in your late 30s,” chika pa ni Erwan.

Ngunit nabanggit din nito na may mga taong mas gustong maging single for life at ayaw nang magkaroon ng partner sa kanilang buhay.

“I’ve met a lot of people who don’t want kids, and who don’t want to get married, fair enough. It’s not for everyone,” sabi pa ni Erwan.

https://bandera.inquirer.net/289033/erwan-may-patutsada-sa-mga-feeling-eksperto-sa-bakuna

https://bandera.inquirer.net/283493/erwan-may-2-bagay-na-palaging-ipinaaalala-kay-anne-ngayong-may-anak-na-sila
https://bandera.inquirer.net/296421/dennis-padilla-hanga-sa-sinabi-ni-ivana-pinatatamaan-kaya-sina-julia

Read more...