JBK hugot na hugot sa bago nilang kantang ‘Porket’, pangarap ding makilala sa Asya at Latin America

JBK: Joshua Bulot, Kim Ordonio at Bryan del Rosario

MAY bagong single ang award winning trio na JBK, ang “Porket” na isang Latin pop-romance inspired track.

Ang “Porket,” na isang awitin na relatable para sa lahat, ay tungkol sa isang lalaki na sobrang sama ng loob matapos siyang iwan ng kanyang lover.

Iniisip niya ang mga alaalang nakakabahala sa kanyang relasyon habang ginugunita niya ang nakaraan at sinisisi niya ang mga maling nangyari.

Ipinapakita rin sa bagong awitin ng JBK na kinabibilangan nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio, ang bawat yugto ng “pagluluksa” tulad ng denial, galit, bargaining, at depresyon, na lahat ay para sa kanyang dating kasintahan.

Pinagsama-sama sa awitin ang soul ng OPM at ang mga Latin American tunes.

Ito ang follow-up ng trio sa kanilang mga naunang reggaeton singles na “Sana Naman” na inilabas noong October, 2020 at ng “Crazy” noong April, 2021 at nais ng grupo na gawing signature sound ang genre na ito.


Ang Reggaeton ang paborito ng JBK sapagkat naipapakita nito ang vocal bravado ng mga miyembro, at nagbibigay pugay din ito sa Pinoy cultural roots at influences.

“Gusto naming mag-break ng new grounds sa mainstream OPM, at nawa’y umabot din kami sa iba’t ibang bahagi ng Asya at maabot din namin ang mga kaibigan natin sa Latin America,” sabi ng JBK.

Ang “Porket” ay orihinal na komposisyon ng JBK na distributed ng Warner Music Philippines.

Ito ay ipinrodyus ng The Sound House, sa pamumuno ng international producer na si Xerxes Bakker – na nakatrabaho na rin ang Maroon 5, Snoop Dogg, at Imagine Dragon – at ng multi-instrumental producer ng Cebu na si Jameson Tenorio.

Available na ang “Porket” for download at streaming sa Spotify, Apple Music, at sa iba pang digital platforms. Ang music video nito ay mapapanood na ngayon sa official YouTube channel ng grupo.

https://bandera.inquirer.net/285546/batang-pinoy-binigyan-ng-standing-ovation-sa-agt-2021-audition-mga-judge-na-shock

https://bandera.inquirer.net/286112/kiko-nagsalita-na-sa-pangarap-ni-sharon-na-manirahan-na-sa-america

https://bandera.inquirer.net/295559/hugot-line-ni-bea-sa-bubble-gang-viral-ready-na-nga-bang-makipag-trabaho-sa-ex

Read more...