Rhian may pak na pak na resbak sa basher na nagsabing, ‘Lookalike ni Petrang Kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan’

Rhian Ramos

TAWANG-TAWA kami sa ginawang resbak ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sa isang laiterang basher na nang-okray sa kanyang itsura.

Sa halip kasi na patulan at patikimin din ng masasakit na salita ang nasabing netizen ay may naisip siya na mas bonggang paraan para  supalpalin ito.

May hater kasi na nagkomento sa isa niyang photo sa Instagram nitong nagdaang Linggo at sinabihan siya ng, “Lookalike ni Petrang Kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan.”

Ni-repost ng dalaga ang comment ng kanyang basher kalakip ang ginawa niyang maikling video na mala-TV commercial ang datingan.

Makikita ang seksing-seksing si Rhian sa nasabing IG reel suot ang kanyang black cutout long dress habang naghuhugas ng kawali sa lababo.

Parang eksena nga sa isang sosyalerang dishwashing commercial ang pasabog na video ng aktres with matching slow-motion effect pa kaya lutang na lutang ang kanyang “pang-aakit” scene.

“Madali akong kausap,” ang maikling caption ni Rhian sa nasabing video.


Sa comment section ng kanyang post, bumaha ng fire emojis mula sa kanyang followers kabilang na ang mga kaibigan niyang celebrities na aliw na aliw sa kanyang pak na pak na resbak.

Sey ni Miss Universe Philippines Tourism 2022 Michelle Dee, “My eyes are on fire.”

Comment ng Kapuso hunk na si Benjamin Alves, “Touché.”

Komento naman ni Chynna Ortaleza, “Wahahahahahaha! FIre!”

“Ang lupeeeeeeet! HAYOOOP!” hirit ni Max Collins.

Ang sabi naman ni Arnold Clavio, “Hahaha! Nice one!!!”

Narito pa ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa pasabog na bwelta ni Rhian sa basher.

“Yas girl. pakipalo na rin yang kawali sa hater na yan char!”

“MAY HATERSSS PA UNG GANTOO K GANDAA??? (crying emoji). ANYARE EARTH? HAHAHAHAHA!”

Hirit naman ng isang IG user, “Bakit po naunang hugasan ang kawali kaysa sa Plato?”

“Rhian hindi yan pinggan. hahahaha eme, ang hot!!”

“HAHAHAHAHA ako ilang taon na ko naghuhugas ng pinggan hindi nman ako ganyan kaganda. HAHA!”

“Kung petrang kabayo ka…. ano na lang kami? linta? or cguro wala na talaga kaming puwang sa mundong to. love you Rhi2x!”

“YAN BA ANG MUKANG PETRANG KABAYO? ANG GANDAAAA!!  KENDALL JENNER NG PINAS YAN!”

“Baka nmn mas kamukha nya si petrang kabayo! kung ganito nmn kaganda ang kabayo.. baka jowain ko pa tong kabayo na to! galing pa maghugas ng pinggan.”

“Grabe naman yang Comments na yan ambastos. Ganda ganda ni Rhian Ramos ikumpara mo lang sa Kabayo.”

“This isn’t the first time Rhian uniquely flexed her fit figure. Last year, she baked some cookies in a sexy outfit, because why not?”

https://bandera.inquirer.net/284485/willie-ai-ai-may-lovelife-advice-kay-rhian-mas-ok-na-magkaroon-ka-rin-ng-sariling-pamilya

https://bandera.inquirer.net/306969/rhian-super-mumog-ng-mouthwash-bago-makipaglaplapan-tinotoo-ang-fight-scenes-nila-ni-kris

https://bandera.inquirer.net/307082/rhian-ayaw-pang-mag-asawa-kahit-31-na-for-me-ang-dami-ko-pang-gustong-gawin-at-ma-achieve

Read more...