Hugot ni Herlene Budol sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Hindi porke’t galing ka sa ilalim hindi ka na makakabangon

Samantha Bernardo at Herlene Budol

MUKHANG handang-handa na nga si Herlene Budol o Hipon Girl sa matindihang rampahan na magaganap sa Binibining Pilipinas 2022 grand coronation night sa darating na July.

At tulad nga ng mga naunang pahayag ng Kapuso comedienne, ang tinatarget niyang titulo at korona sa pagsali sa national pageant ay ang Miss Grand International.

“MGI po sana (ang makuhang title). Kasi sabi po ng mga fans ko na nagko-comment po, bagay raw po ako doon. Kung tatanungin naman kung ano ang nasa puso ko, MGI pa rin po kasi doon rin po ang parang goal ko,” pahayag ni Herlene sa isang interview.

Naibahagi rin ng dalaga na kahit baguhan pa lang siya sa larangan ng pageant, ginagawa niya ang lahat para magtagumpay sa lahat ng challenges na kanyang haharapin bilang kandidata.

“Ano po kasi lahat po talaga tinropa ko kasi ang gaganda po nila. Kaya parang bibihira po talaga ako makakita ng ganung mukha kaya tuwang tuwa po ako.

“‘Tas may mga kaugali rin po ako kaya and yung ibang ugali naman po na-aadapt ko naman po kaya isa po ‘yun sa mga training ko kung ano ang ma-adapt ko sa kanila, try ko pong apply sa akin,” ani Hipon.

Isa lang daw ang rason kung bakit siya sumali sa Binibining Pilipinas, “Para po marami po akong ma-impluwensiyahan at maging role model po sa ibang tao.

“Gaya po sa mga followers ko na nakasuporta po sa akin dahil hangga’t buhay, may pag-asa. Hindi porke’t galing ka sa ilalim hindi kana makakabangon,” diin ni Hipon.

Samantala, sa hiwalay namang panayam kay Binibining Pilipinas Miss Grand International 2021 na si Samantha Bernardo, naniniwala siyang malakas pa rin ang laban ng Pilipinas sa iba’t ibang pageant.


Para kay Samantha, promising ang  batch 2022 ng Binibining Pilipinas candidates, “Nakita ko na po silang lahat. Sobrang ang gaganda, sobrang calibre.

“Pang-international na talaga ang mga candidates and I am so happy to be part of them again,” sabi ng beauty queen at dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemate.

Sa tanong kung ano ang masasabi niya sa reaksyon ng mga pageant fans na bet na bet si Herlene na magwaging Miss Grand International Philippines.

“As a former Miss Grand Philippines, I know na whoever wins, kung si Herlene man ‘yun or kung ibang candidates man, talagang lahat talaga ibibigay nila ang best nila.

“And I am very much there and I am willing kahit i-train pa sila or kung anuman ang natutunan namin with the organization together with the other Samantha (Panlilio).

“Of course, as a Miss Grand International Philippines, we will support our candidate to get our first crown for the Philippines hopefully.

“Malay natin this year na or next year. Who knows? Sana kung siya talaga or ibang kandidata, let the destiny decide for itself,” pahayag ni Samantha.

Ano naman sa tingin niya ang chance ng Pilipinas sa Miss Grand International this year, “Actually, parang lahat naman talaga can be Miss Grand International as long as talagang magugustuhan sila ng Organization.

“And I am not in the position kasi to say na hindi magugustuhan si ganito o magugustuhan si ganyan,” paliwanag ng dalaga.

Bukod sa Miss Grand International, ang iba pang titulo at korona na paglalabanan ng 40 candidates ay ang Binibining Pilipinas Globe, Binibining Pilipinas Pilipinas Intercontinental, Binibining Pilipinas Grand International, at Binibining Pilipinas International.

https://bandera.inquirer.net/311488/herlene-budol-pasok-sa-top-40-ng-binibining-pilipinas

https://bandera.inquirer.net/289284/herlene-budol-bumuwelta-sa-mga-golden-bashers-may-hiling-para-sa-magulang-nina-toni-at-alex
https://bandera.inquirer.net/310433/herlene-budol-nanawagan-sa-pagsali-sa-bb-pilipinas-wish-me-luck-mga-kasquammy-ipag-pray-nyo-po-sana-ako

Read more...