Ryza Cenon sa pagiging ina: Matutulala ka na lang sa pagod

Ryza Cenon sa pagiging ina: Matutulala ka na lang sa pagod
TRENDING ngayon ang Kapuso star na si Ryza Cenon dahil marami ang mga mommies na naka-relate sa kanyang experience bilang first time mom.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya na may mga pagkakataon siya na napapatulala at napapaupo na lang dahil sa pagod at hirap na maging ina.

“After mo mag pakain, magpaligo, saka patulog ng anak mo… may moment talaga na mapapaupo ka tapos matutulala ka nalang sa pagod then sabay hingang malalim then game na ulit,” saad ni Ryza.

Kaya naman tinanong rin niya ang mga kapwa mommies kung nakaka-relate rin ba sila sa kanyang pinagdaraanan.

“Kung nakakarelate kayo isang mahigpit na yakap sa inyo mga mommies!!!” dagdag pa ni Ryza.

Umani naman ng iba’t ibang komento ang naturang post ng aktres at talaga namang napakarami ang mga nakaka-relate sa pakiramdam niya.

 

 

“tapos linis bahay pa po.. asikaso po sa mga furbaby.. luto dito may kasabay pang laba duon.. minsan di mo mapapansin makakatulog ka nalang sa isang tabi. Minsan habang nakain pa nga pero kahit sabay sabay ang gawain sa araw araw dapat lagi tayong laban ,” saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “tapos linis bahay pa po.. asikaso po sa mga furbaby.. luto dito may kasabay pang laba duon.. minsan di mo mapapansin makakatulog ka nalang sa isang tabi. Minsan habang nakain pa nga pero kahit sabay sabay ang gawain sa araw araw dapat lagi tayong laban.”

“Relate much mumsh, I’m a mom of two boys a 4yr old and and an 4mos old. Pero kaya tayo tinawag na wondermom kasi we’re so amazing. A big hug!” hirit naman ng isa pa.

Maski nga sina Assunta de Rossi-Ledesma at Sam Pinto na pawang mga mommies na rin ay relate rin sa post ni Ryza.

 

Related Chika:
Ryza may third eye, ginugulo ng mga multo: Sumigaw talaga ‘ko, ‘pwede ba, magpatulog kayo? Pagod na pagod na ‘ko!’

Babala ni Ryza Cenon sa mga mahilig magbiro: Don’t do bad pranks, huwag mam-bully ng kapwa

‘Rooftop’ nina Ryza, Marco, Ella at Epy perfect sa 2022 Asian Horror filmfest; Direk Yam tagumpay sa pananakot

Read more...